196 total views
Nababahala ang Diyosesis ng Tagbilaran sa pagtaas ng kaso ng suicide sa lalawigan ng Bohol.
Dahil dito nagpalabas ng liham Pastoral si Bishop Alberto Uy kung saan hinimok ang mga sektor sa lipunan na magkaisa at magtulungan sa paglutas ng suliranin.
Hinikayat ng Obispo ang mga pari maging ang munting pamayanan ng simbahang Katolika na ipadama sa mga pamilya ng nasawing biktima ng suicide ang kalinga at pagmamahal.
“I wish to manifest the profound union of the Church with the families of those who have taken their own lives. I am encouraging everyone under the leadership of our parish priests, to show his or her support by way of visiting the families, praying with and for them, and giving emotional and material support in order to lighten the burden that they are carrying.” bahagi ng liham pastoral ni Bishop Uy.
Nanawagan si Bishop Uy sa buong pamayanan na pagtuunan ng pansin ang paglutas sa suicide at mga pamamaraang mapigilan ang isang tao sa pagpapakamatay.
“Because suicide is wrong, the believing community is enjoined to take steps to address it at its roots. I am calling on the leaders of the government, the schools and other sectors to come together and discuss the options that are viable and available to us,” ani ni Bishop Uy.
Magugunitang Hunyo 2018 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mental Health Law na layong makapagbigay ng abot kaya at madaling pagtugon sa mental health ng mga Filipino.
Tinitiyak sa nasabing batas ang kapakanan at karapatan ng mamamayan na matugunan ang pangangailangang pangkaisipan sa tulong ng mga mental health professionals hanggang sa mga barangay sa buong Pilipinas at maisulong ang mental health education sa mga eskwelahan at iba’t ibang lugar na pinagtatrabahuan.
Umaasa rin ang Obispo na paigtingin sa mga eskwelahan sa bansa ang kampanya laban sa bullying na kadalasang sanhi ng depresyon ng kabataan at nauuwi sa suicide.
Iginiit ni Bishop Uy ang pagpapalakas sa guidance centers upang magabayan ang mga kabataan.
Binigyang diin ni Bishop Uy ang kahalagahan ng tungkulin ng bawat magulang na subaybayan ang kanilang mga anak upang higit na maunawaan ang mga pinagdadaanan at mabigyan ng wastong paggabay nang may pagmamahal at buong pagkalinga.
“I am earnestly asking the parents to discuss among yourselves the current state of our children.” pahayag ng Obispo
Mula Hunyo, anim na kaso ng pagpapatiwakal ang naitala sa Bohol.
Sinasabi naman sa pag-aaral ng World Health Organization halos 800,000 ang suicide cases bawat taon o katumbas sa isang tao ang nagpapakamatay sa kada 40 segundo.
Balak ng dalawang diyosesis sa lalawigan na makapaglikha ng mga programa sa bawat parokya na makatutulong sa taong nakararanas ng depresyon.
“I would like to share my intent to begin a new apostolate in the diocese and in the parishes. This apostolate would take up the task of exploring and establishing programs designed to provide accompaniment to the depressed members of the community.” dagdag pahayag ni Bishop Uy
Iginiit ni Bishop Uy na handang ipakita ng Simbahan ang habag at awa ng Panginoon sa lahat ng mga namatay dahil sa suicide at patuloy na ipinanalangin ang kaluwalhatian at kapayapaan ng mga namayapang nagpatiwakal.
“I exhort the priests and lay faithful to grant full access to the rites and rituals befitting the baptized those who have died by suicide.”