7,472 total views
Kinilala ng Simbahan ang dedikasyon, pagpupunyagi at malaking ambag ng mga manggagawa sa pag-unlad ng bansa sa kabila ng mababang suweldo at kawalan ng benepisyo.
Sa paggunita ng labor day ngayong a-uno ng Mayo, inihayag ng Caritas Philippines ang patuloy na pakikiisa at pagiging boses ng mga manggagawa.
Suportado ng Caritas Philippines ang panawagang katarungan panlipunan ng mga manggagawa upang matamasa ng sektor ang pamumuhay na may digdinad at nabibili ang pangunahing pangangailangan.
Kaisa ng social at development arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga manggagawa sa isinusulong na “living wage” o nararapat na sahod para matugunan ang kanilang pangangailangan at pamilyang sinusuportahan.
“Today, as we celebrate Labor Day and the feast of St. Joseph the Worker, we echo his dedication and hard work in every Filipino worker. We recognize your immense contribution to our nation’s progress, tirelessly building a better future for yourselves and your families,et, for many, the fruits of their labor haven’t translated to a dignified life. We urge our government to prioritize a LIVING WAGE that allows Filipino workers to afford their basic needs and live with dignity,” mensahe ng Caritas Philippines.
Tiniyak naman ng Church People – Workers Solidarity (CWS), ang suporta at pagsusulong sa panawagan ng mga manggagawa na family living wage na batay sa pag-aaral ng IBON foundation ay umaabot ng 1,207 pesos kada araw.
Naniniwala ang CWS na sa pamamagitan ng boses ng simbahan ay mapapalakas ang apela ng sektor at makakarating sa mga opisyal ng pamahalaan na may kapangyarihang baguhin at isabatas ang mga hakbang na tutulong upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa.
Paiigtingin pa ng CWS ang pagbabahagi ng mga katuruan ng simbahan o mabubuting katangian sa mga manggagawa na kanilang isasabuhay sa araw-araw na paghahanapbuhay.
“In the encounters of religion and labor, the idea of religion itself changes. Informed by matters of labor and class, religion is linked to matters of politics, economics, and everyday life and it can provide positive inspiration, as religion is reshaped in the tension of life that affect working people, it can reclaim its roles as an agent in the struggle for the common good,” ayon naman sa mensahe ng CWS.
Bilang suporta sa mga manggagawa, pinangunahan ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Caritas Philippines Vice-president San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang Misa Para sa Dalangin ng Manggagawang Pilipino: Sahod Itaas, ChaCha Iatras! sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quaipo church.