277 total views
Hindi hadlang sa mga Kristiyano ang pagkakaiba ng pananampalataya para tulungan ang Marawi bakwits.
Ito ang pinatunayan ng Diocese of Iligan, Caritas Manila at Radyo Veritas matapos magtungo at maghatid ng tulong sa mga evacuation center sa Iligan city gayundin para alamin ang pangangailangan ng mga bakwits.
Ayon kay Rev.Fr. Ricardo Valencia, priest minister ng Caritas Damayan Program ng Caritas Manila, patuloy ang pangangailangan ng mga nagsilikas dahil sa kaguluhan sa Marawi kaya’t magpapatuloy din ang Simbahan sa
pag-agapay sa kanila.
“We need to continue our efforts to help our brothers and sisters who are affected by this unfortunate event.”pahayag ni Father Valencia
Sa panayam ng Radyo Veritas, inihayag ni Sr. Betsy Espana, isa sa mga in charge sa evacuation assistance ng Diocese of Iligan na maliban sa pagkain ay suliranin ngayon ng mga bakwits ang mga personal na pangangailangan gaya
ng undergarments, hygiene kits, tuwalya at mga higaan.
“Bukod sa food items may mga pangangailangan sila na kailangan din bigyan pansin lalo na’t nagtatagal na sila
sa mga evacuation center” pahayag ni Sr. Espana.
Kaugnay nito, inihayag ni Rev. Father Anton Pascual, executive Director ng Caritas Manila na muling magpapadala ang social arm ng Archdiocese of Manila ng P500 libong piso para sa relief and rehabilitation ng mga nagsilikas na residente.
“We (Caritas Manila) have another P500 thousand for relief and rehab” mensahe ni Fr. Pascual na siya ring Pangulo ng Radyo Veritas.
Naunang nagpadala ng 500-libong pisong tulong at 100-sako ng bigas ang Caritas Manila para sa mga lumikas
na resident eng Marawi.
Read: Obispo ng Marawi, labis ang pasasalamat sa cash at rice donations ng Caritas Manila
Batay sa datos, aabot sa 3,463 Pamilya ang nananatili sa iba’t-ibang evacuation Camps sa Iligan habang nasa mahigit 11 libo ang nakituloy sa kanilang mga kaanak o homebased IDP’s.