463 total views
Nagpaabot ng pagbati at pakikiisa ang simbahang Katolika sa mga Filipino-Chinese sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year.
Panalangin din ni Bangued Bishop Leopoldo Jaucian-national director ng Chinese Apostolate of the Philippines ang kalakasang pangkalusugan ng mamamayan lalu na ng mga Filipino-Chinese Catholics.
“Bilang national coordinator ng CBCP Chinese Apostolate we greet you a Happy New Year; especially in this time of pandemic, good health, and always be safe and well as we ask God’s blessings,” pahayag ni Bishop Jaucian sa panamayam ng Radio Veritas.
Dalangin ni Bishop Jaucian ang pagpapala ng Panginoon sa bawat isa sa tulong ng gabay ng Diyos ay malalampasan ang epekto ng pandemic novel coronavirus.
Nauna nang ipinagpaliban ni Manila Mayor Francisco Domagoso ang mga pagdiriwang sa China town sa Binondo bilang pag-iingat na paglaganap ang COVID-19. Pebrero 12, ipinagdiriwang ang Chinese New Year kung saan sa Pilipinas ito ay isinagawa ng mga Filipino-Chinese Catholics sa pamamagitan ng pagdalo ng mga banal na misa.
Paalala naman ni Bishop Jaucian sa mamamayan na tanging ang Diyos ang pinagmumulan ng bawat kaloob na tinatamasa ng tao.
“Ang pag-ibig ng Diyos ang lakas at sigla ng ating buhay; nawa’y puspusin tayo ng pagpapala mula sa Diyos,” giit ni Bishop Jaucian. Sa Pebrero 14, isang misa rin ang ipagdiriwang na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na gaganapin naman sa National Shrine of St. Jude sa Manila.