5,767 total views
Itinakda ng Caritas Philippines ang initial turn-over ng transitional houses para sa mga survivors sa naganap na sunod-sunod na lindol sa Mindanao region.
Ayon kay Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ito ay isasagawa sa ika-19 ng Pebrero para sa may 100 pamilya na nasira ang mga tahanan at hindi na maaring bumalik sa kanilang lugar dahil na rin sa fault line.
“Ang simbahan naman through NASSA, Caritas ay nagpapagawa tayo ng transitional shelters. Meron tayong mga identified na lugar malapit sa mga original houses ng mga biktima na nasira ang kanilang mga bahay,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Inihayag naman ng obispo na ang mga bahay na ito ay pansamantala lamang dahil wala pang lugar na maaring paglipatan at hindi pa nila pag-aari ang mga lupang pinagtayuan ng mga bahay.
Target din ng Caritas Philippines o CBCP-NASSA na makapagpatayo ng 600 transitional houses na nagkakahalaga ng 40-50 libong piso ang bawat bahay.
“Fifty percent ay nakabalik na sa kanilang bahay, communities pero marami pa rin ang nasa evacuation centers,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Tinatayang higit sa isang libong pamilya ang nagsilikas at pansamantalang nanatili sa evacuation centers dahil sa naganap magkakasunod na paglindol sa ilang bahagi ng Mindanao noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Read: CBCP, naglabas ng urgent appeal para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao
Tinatayang may 40 katao ang nasawi sa magkakasunod na lindol kung saan naitala ang tatlong malalakas na pagyanig sa magnitude 6.