251 total views
March 18, 2020, 2:54PM
Inaanyayahan ng Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na makiisa sa “Day of Prayer and Fasting” para sa mga nahawaan ng COVID-19, mga namatay sa sakit at i-adya ang mamamayan lalo na ang mga health workers, mga sundalo at pulis sa kinatatakutang pandemic.
Isasagawa ang “call for days of penance,prayer and fasting sa lahat ng Fridays of lent, (March 20, 27 at April 13) kasama ang Good Friday, April 10, 2020.
Hinimok naman ni Bishop Broderick Pabillo ang lahat ng nagkapag-fasting na tumulong sa kawanggawa o maging Good Samaritan sa mga mahihirap na apektado ng sakit.
Ayon kay Bishop Pabillo, ang tulong ay maaring ipadala sa Caritas Manila na nagbibigay sa kasalukuyan ng “Ligtas Covid kits” sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila at mga apektado ng COVID-19.
Read: https://www.veritas846.ph/pastoral-letter-a-call-of-charity-for-the-common-good/