1,671 total views
Nanawagan ng aksyon at pagtulong sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Daet Bishop Rex Andrew Alarcon at Borongan Bishop Crispin Varquez.
Nagpaabot din ng panalangin ng kaligtasan sina Bishop Ongtioco, Bishop Varquez at Bishop Alarcon sa mamamayang naapektuhan ng baha sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga, BARMM at MIMAROPA Region.
Ayon kay Bishop Alarcon, napakahalaga ang tunay na pakikiisa at pagbabahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.
“Please know that we are close to you and we will do whatever is in power so that we can make concrete actions to that closeness and panawagan din po sa mga kapatid natin na mag-share ng love of the Lord by making concrete acts we always say that ‘One concrete good act of of or values than a thousand promises’. panawagan ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.
Iginiit naman ni Bishop Ongtioco ang kahalagahan na maiparamdam sa kapwa ang tunay na pakikiisa sa mamamayang apektado ng kalamidad, krisis sa ekonomiya at nawalan ng trabaho.
“Tandaan ninyo tayo’y pinagbuklod ng Panginoon, sila ay kapatid ng bawat tao at dapat kilalaning kapatid dahil sa kaniya makakatagpo, magiging makabuluhan, magiging kongkreto ang pagmamahal sa Diyos, anuman ang ginawa sa iyong maliit na kapatid lalo na yung mga dukha, so panawagan po ni Hesus tayoy magkapatiran at isa pang mark ng pagkakapatiran ngayon ay pagmamalasakit, pagtulong at pagmamahal sa bawat tao.” pahayag sa Radio Veritas ni Bishop Ongtioco.
Ipinagdarasal naman ni Bishop Varquez ang pagbangon ng mga nasalanta ng baha na makabalik agad sa normal na pamumuhay.
“Kaya po ay ipanalangin natin sila na sana hindi mawala ang kanilang pagasa na bumangon at ganun din po ang ating gagawin kung tayo po ay mayroong ma-extend na tulong sa kanila malaking bagay po sa mga biktima.”panawagan ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.
Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council, aabot na sa 52 ang bilang ng nasawi, 18 ang nawawala at 16 naman ang naitalang sugatan dulot ng malakas na pag-ulan sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa.
Sa mga nabanggit na lugar din ay aabot na sa mahigit 700-libong katao o 171-libong pamilya ang naapektuhan ng kalamidad.
Unang nagpadala ng 200-libong pisong halaga ng tulong ang Caritas Manila sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental.