212 total views
Ikinatuwa ng Simbahang Katolika ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Israel na magbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers sa nasabing bansa.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, higit pang mapangalagaan ng pamahalaan ng Israel ang kapakanan ng mga OFW doon sa paglagda ng memorandum of agreement higgil sa temporary employment ng mga home-based Filipino caregivers.
“That is a very encouraging and inspiring the signing of understanding between Israel and Philippines. Our OFWs will surely be more protected and be more secured.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Batay sa nasabing kasunduan, malaki ang mababawas sa gastusin ng mga OFW na sinisingil ng mga recruitment agency sa mga nais magtrabahong care-giver sa nasabing bansa.
Naunang pinuri ni Bishop Santos ang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga OFW sa Israel dahil ito ay pagpapakita ng pagpahalaga ng pamahalaan sa mga Filipinong nagsusumikap sa ibayong dagat upang maitaguyod ang pamilya.
Read more: Pakikipagpulong ng Pangulong Duterte sa mga OFW sa Israel at Jordan, pinuri
Aniya mahalagang bigyan ng kaukulang pansin ang bawat OFW sa iba’t ibang bahagi ng daigdig upang matiyak ang kanilang kaligtasan dahil bukod sa pagsusumikap sa pamilya ay malaki ang naiambag ng mga ito sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Our OFWs in Israel and Jordan are well taken care of.” dagdag ng Obispo.
Sa datos ng embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, Israel sa 28,000 libong Filipino doon 95-porsiyento dito ay mga care-givers.
OFW sa Libya
Samantala, hinimok din ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na ipagdasal ang kaligtasan ng mga OFW sa Libya sa gitna ng kaguluhan sa Tripoli.
“Let us always pray for their safety, there be peace in that place.” panawagan ni Bishop Santos
Una nang hinimok ng Department of Foreign Affairs ang mga Filipino sa Libya na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan dahil sa nagpapatuloy na karahasan sa kabisera dahil sa hindi pagkakasundo ng mga namumuno mula noong 2011.
Paalala pa ni “Chargé d’Affaires Mardomel Melicor sa mga Filipino sa Tripoli na maghanda ng sapat na suplay ng tubig at pagkain.
Dahil dito, umapela si Bishop Santos sa mahigit 1,800 O-F-W sa lugar na maging mapagmatyag anumang oras upang makaiwas sa kaguluhan.
“With the volatile situation in Libya we appeal to our OFWs there to be more cautious and attentive to one another as to be “brothers’ keeper” to another.” ani ni Bishop Santos.
Magugunitang sa pagbisita noon ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 binigyang pagkilala nito ang mga OFW na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.