372 total views
September 17, 2020-9:56am
Unti-unti na ring iniaakma ng Diyosesis ng Daet ang mga gawaing simbahan sa umiiral na new normal na bahagi ng epekto ng pandemic novel coronavirus.
Ito ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon kaugnay sa sitwasyon sa diyosesis kung saan pinapairal ang mga pagbabago bilang pag-iingat mula sa nakakahawang sakit.
Ayon sa Obispo, bukod sa pagpapatupad ng mga safety health protocol, ang pagkakaroon lamang ng 50-porsyento sa kapasidad ng mga Simbahan sa diyosesis ang pinakamalaking pagbabago na naidulot ng pandemya sa paraan ng pamumuhay at pananamapalataya sa lugar.
Pagbabahagi ni Bishop Alarcon na siya ring Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Youth, pinaigting na rin ng diyosesis ang pagkakaroon ng karagdagang youth minister para maglingkod sa simbahan lalu’t karamihan ng mga church workers ay mga nakakatanda na hindi pinahihintulang lumabas base na rin sa mga umiiral na community quarantines.
“We are observing yung social distancing, face mask, sanitizing so ang new normal 50% lang ang pwedeng tanggapin, ang new normal we are continuing with the online, ang new normal dinagdagan namin yung mga younger ministers namin and then we are also trying to find ways yung Catechesis, Youth Ministry yung iba sa classes nagsimula na so well it’s the new normal of course we all pray na sana temporary lamang,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.
Umaasa naman ang Obispo na pansamantala lamang ang mga pagbabagong dulot ng pandemya sa paraan ng pamumuhay ng mamamayan at maging sa ebanghelisasyon ng simbahan.
Binigyang diin rin ni Bishop Alarcon na bukod sa pananalangin para sa agarang pagtuklas ng lunas at bakuna para sa COVID-19 ay mahalaga rin ang pagkakaroon ng disiplina at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang sama-samang malagpasan ang krisis na dulot ng pandemya.
“So ano kumbaga we are in the new normal, we are praying with the vaccine hopefully soon also that yung but it’s not only the vaccine it also in the discipline of the people, collaboration of the different sector so meron na, meron na kami dito. In the new normal that we are now experiencing very limited yung naabot natin.” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.
Ang Diocese of Daet ay may 30 parokya na nangangasiwa sa 525,000 mananamapalataya.