219 total views
Nilinaw ng Office of Communications ng Archdiocese ng Manila na walang pahayag si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang simbahan ang dapat na mamuno sa pamahalaan.
Ito ayon kay Fr. Roy Bellen, Director ng Archdiocesan Office of Communication kaugnay sa pahayag na kumakalat sa social media.
“The Office of Communications of the Archdiocese of Manila would like to clarify that His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, DD did not issue any statement or message stating that the Roman Catholic Church should take leadership over the government and the country, particularly the one that is spreading in social media these past few days,” ayon kay Fr. Bellen.
Ayon sa fake news na kumakalat sa social media, ang simbahan ang dapat na mamuno kapalit ng Pangulong Rodrido Duterte para maligtas ang sambayanan mula sa kadiliman.
Sa halip ayon kay Fr. Bellen naglabas ng liham pastoral ang Kaniyang Kabunyian na naghihikayat sa mga mananampalataya na makibahagi sa mga programa ng simbahan para sa komunidad.
“He also asked the faithful to pray for the country and for the Church. Let us all continue to work and pray for peaceful collaboration among all Filipinos,” ayon pa sa pahayag.
Hinikayat din ni Cardinal Tagle ang mamamayan na patuloy na ipagdasal ang bansa at ang simbahan para sa mabuting pagtutulungan ng bawat isa tungo sa kabutihan ng mas nakakarami.
Una ng nanawagan si Pope Francis na hindi lahat ay dapat paniwalaan, sa halip ay paglimian- dahil hindi lahat ng ating nakikita at naririnig ay ang katotohanan.