298 total views
Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Permanent Committee on Public Affairs ang bawat mananampalataya na magbalik loob sa Panginoon at kilalanin itong dakilang manggagamot.
Ito ang paanyaya ni Lipa Acrhbishop Ramon Arguelles, chairman ng kumisyon matapos makumpirma ang pagkakaroon ng Zika virus sa Pilipinas.
Ipinaalala ni Archbishop Arguelles na ang mga lumalaganap na sakit ay sanhi rin ng kapabayaan ng tao sa sarili at kapaligiran.
Inihayag ng Arsobispo na ang pagkakaroon ng iba’t-ibang sakit ay paalala sa tao na baguhin ang lifestyle at patatagin ang pananampalataya sa panginoon.
“Ang mabuting gawin ay ayusin natin, magkaroon tayo ng harmony, magbalik-loob tayo sa Diyos. Iyon ang mahalaga dahil ang panginoon ay great healer,” pahayag ni Archbishop Arguelles
Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng anim na kaso ng Zika virus sa Pilipinas.
Gayunman, tiniyak ng Department of Health na walang dapat ikabahala dahil walang virus outbreak sa bansa sa kasalukuyan.
Nagpaalala naman ang DOH na iwasang magpunta sa Singapore, lalo na ang mga nagdadalang tao dahil mayroon nang 215 kaso ng Zika Virus na naitala sa bansa.