1,021 total views
Bigyang paggalang ang mga lugar dalanginan.
Ito ang apela ng pamunuan ng Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o mas kilala bilang Malolos Cathedral sa Diyosesis ng Malolos sa mga kandidato sa lokal na posisyon sa pamahalaan.
Ayon sa pamunuan ng Katedral, nararapat igalang ng mga kandidatong nangangampanya at kanilang mga taga-suporta ang mga Sakramento at mga liturhiyang isinasagawa sa mga simbahan partikular na tuwing araw ng Linggo.
Bahagi ng apela ng Simbahan ay ang pagpapatay o paghihina ng mga campaign jingles ng mga kandidato sa tuwing nasa paligid ng mga lugar dalanginan upang hindi makagambala sa mga mananampalataya.
“AN OPEN REQUEST TO ALL POLITICAL CANDIDATES Please advised your supporters and campaign personnel to show respect in all places of worship. There are sacraments and prayers being held especially on Sundays. KINDLY TURN OFF OR LOWER THE VOLUME of your CAMPAIGN JINGLES so that the faithful will not be distracted in their prayers,” panawagan ng parokya sa mga kandidato.
Nasasaad sa pinakabagong liham pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa Halalan 2022 na ang kapakanan ng bayan ay responsibilidad ng lahat kung saan may mahalagang papel na ginagampanan ang bawat isa.
Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) aabot sa mahigit 18,000 ang mga posisyon sa lokal na pamahalaan na kinakailangan punan sa nakatakdang National and Local Elections sa May 9, 2022 na kinabibilangan ng mga legislative district representatives; governors at vice governors; provincial board members; mayors at vice mayors; councilors; gayundin ang Bangamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao party representatives; BARMM parliamentary district representatives; at BARMM reserved seats and sectoral representatives.