163 total views
Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs sa mamamayan na huwag mag-panic matapos ang madugong pagsabog sa Roxas Boulevard night market sa Davao City na ikinasawi ng 15-inosenteng sibilyan at ikinasugat ng 71 iba pa.
Kasunod nito, hinimok ni CBCP-PCPA Executive Secretary Father Jerome Secillano ang taumbayan na maging vigilant o mapagmatyag at makipag-cooperate sa mga otoridad sa gitna ng mga banta ng karahasan sa bansa.
“We are calling on the people to become vigilant, cooperate with the authorities and stop criticizing. Let us not panic in these trying and chaotic moments.”panawagan ni Father Secillano sa Radio Veritas
Nanawagan naman ang pari sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na gawin ang lahat para protektahan ang mamamayan sa banta ng lawlessness.
Hinimok ni Father Secillano ang mga otoridad na paigtingin ang pagpapatupad ng mga “security measures” tulad ng checkpoints, dagdag na police visibility at augmentation ng military at police forces sa mga public places.
Kaugnay nito, hinikayat ni Father Secillano ang pamahalaan na i-define ang limitations at scope ng idineklarang “state of lawless violence” ng Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Pilipinas.
Ayon kay Father Secillano, mahalagang ipaliwanag ng pamahalaan ang mga dahilan sa deklarasyon ng “state of lawless violence” matapos ang madugong pagpapasabog sa Davao City.
Nilinaw ng pari na ang kawalan ng paliwanag at justification sa naging hakbang ng Pangulong Rodrigo Duterte ay magdudulot ng haka-haka at espekulasyon sa taumbayan.
Pinangangambahan ni Father Secillano na iisipin ng mga mamamayan na isa lamang ploy o paglilinlang ang deklarasyon ng state of lawless violence kung hindi maipaliwanag ng maayos sa taumbayan.
“Define the scope, territory and limitations of the state of lawless violence upang hindi mag-speculate ang mga tao, convince the people that chaos is only in Mindanao. Ipaliwanag, justify, in the absence of justification the people will think, it is only a ploy”.pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas