7,315 total views
Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na kasama ng mga Filipino Seafarer ang simbahang katolika saanmang paglalakabay nila sa buhay.
Ito ang mensahe ng Obispo na siya ring Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines para sa paggunita ng Pilipinas sa National Seafarers Sunday sa September 29.
Ayon sa Obispo, napakahalaga ng mga tungkulin na ginagampananan ng mga mandaragat na Pilipino dahil hindi lamang sila matatagpuan sa mga katubigan ng Pilipinas kungdi sa ibat-ibang bahagi rin ng mundo.
Ito ay dahil bukod sa trabaho, ginagampanan nila ang ibat-ibang tungkulin sa pangingisda, logistics, at pangangalaga sa seguridad at kapayapaan.
“Whoever you are, you are important. Your honesty and integrity shine through in all that you do. We commend you for your dedication and perseverance, which inspire us all. Your hard work sets a standard of excellence, and your kindness and willingness to assist others make a profound difference in the lives of many,” ayon sa mensaheng ipinadala Bishop Santos sa Radio Veritas.
Panalangin ng Obispo ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa mga Filipino Seafarers sa buong mundo upang manatili silang matatag sa anumang hamon at pagsubok na kakaharapin sa kanilang mga paglalayag.
Kasabay ito ng pananalangin ni Bishop Santos na naway higit pang maging masagana ang kanilang kinabukasan at pagkakaroon ng katatagan ng loob ng mga pamilya o mahal sa buhay na naiiwan ng mga mandaragat sa Pilipinas.
“Thank you for being the pillars of strength and hope. Your unwavering
commitment and selflessness are the driving forces behind our collective success. Together, we build a brighter future, one where every individual is valued and every effort is recognized, let us continue to support one another, to uplift those in need, and to strive for a community where compassion and unity prevail. With your continued dedication, we can overcome any challenge and achieve great things,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos.
Sa datos ng pamahalaan ayon sa Statista, umaabot sa 578,600 ang bilang g mga Filipino Seafarers na matatagpuan sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
Ngayong taon, itinalaga ng Stella Maris Philippines ang paggunita ng Seafarers Sunday sa temang: Marinong Filipino!: Ligtas na Paglalayag!.
Ito ay upang isulong ang pananatiling ligtas ng mga mandaragat sa kanilang trabaho kung saan nakahanda simula sa September 21 ang ibat-ibang programa sa pangangasiwa ng Stella Maris katuwang ang magkakaibang ahensya.