177 total views
Maaring maging tugon sa kakulangan ng mga pari ang mga young professionals.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mas matutukan at mapapalakas ngayon nang simbahan ang pagpapalakas ng bokasyon.
Sa taong 2018, ipagdiriwang ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang Year of the Clergy and Consecrated Persons: Renewed Servants Leaders for the New Evangelization na hangarin ang mahalagang pagbabago para sa tunay na paglilingkod bilang mga alagad ng Diyos bilang paghahanda sa ika-500 ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
“Katulad ng ginagawa ng simbahan natin ngayon. Tinitingnan yung formation program natin ngayon sa mga seminarian. Ang focus ngayon ay yung recruitment sa mga professionals na nakapagtapos na ng kolehiyo na may trabaho na. siyempre kapag nirecruit natin sila, ibang klaseng formation ang ibibigay natin sa kanila. So tinitingnan yung ano pa ba ‘yung mas relevant na formation na makatugon sa tawag at hamon ng ating panahon sa tawag at hamon ngayon sa mundo,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Base sa tala noong 2013, ang Pilipinas ay may higit sa 9,000 mga pari para pangasiwaan ang may 86 na porsiyento ng mga katoliko sa bansa. Sa ulat ang ratio ng mga pari sa Katoliko ay isang pari para 8,000 mananampalataya na dapat sana ay isang pari para sa bawat 2,000 Katoliko.
Sa pagdiriwang ng ika-54 na taon ng World Day of Prayer for Vocation, hiniling ng kaniyang kabanalan Francisco ang paglago sa pananampalataya at maging masidhi ang pagpapahayag sa pag-ibig ng Diyos at malakasakit sa kapwa.