212 total views
“Walang pinipili ang simbahan sa pagkalinga sa mga nangangailangan.’’
Ito ang mensahe ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People’s kaugnay na rin sa gampanin ng simbahan para sa migrants at refugees.
Nagpahayag din ng suporta si Bishop Santos sa paglulunsad ng ‘Share the Journey Campaign’ ni Pope Francis na ilulunsad sa Vatican, September 27, 2017.
Paliwanag pa ng Obispo, ang simbahan ay isang Ina para sa lahat at para magbigay kalinga.
“Our Catholic Church is a mother who welcomes us all. She does not discriminate nor alienate anyone. Our Catholic Church has no walls, no borders and all for her are her children, not strangers. We support and in solidarity with our Holy Father to welcome migrants and refugees. To walk with them and to work for them is to fulfill what our Lord says,’ I am stranger and you welcome me’,” ayon kay Bishop Ruperto Santos.
Ang Pilipinas ay sabay na maglulunsad ng kampanya sa pamamagitan ng fora’s kabilang dito ang pagtitipon ng mga Lumad, ilang Overseas Filipino Workers sa Caritas Manila; at Quiapo Church.
Tinatayang may 2.4 milyon ang bilang ng mga Filipino sa iba’t ibang bansa; habang may higit sa 200 libo ang mga foreign citizen naman ang naninirahan sa Pilipinas.
Magkakaroon din ng pagbabahagi ang mga international student sa pagtitipong isasagawa sa Adamson University.
Base sa ulat may higit sa 61,000 ang mga international students sa bansa.
Layunin ng kampanya ng Santo Papa Francisco na maibahagi ang kultura ng pakikinig sa mga migrante at refugees nang sa gayon ay mapawi ang kanilang pangamba sa pananahan sa ibang bayan kaiba sa kanilang nakagisnan.