Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahang Katolika, bukas sa ibang paniniwala at pananampalataya

SHARE THE TRUTH

 2,058 total views

Tiniyak ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na bukas ang simbahan sa lahat maging sa ibang paniniwala at pananampalataya.

Ito ang pahayag ng cardinal sa pagdiriwang ng Week of Prayer for Christian Unity ngayong taon na nakatuon sa temang ‘Do Good. Seek Justice.’

Sinabi ni Cardinal Advincula na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng simbahang katolika sa bawat religious group sa layuning pagbuklurin ang pamayanan bilang sambayanan ng Diyos.

“The Church is inclusive. The Church is ecumenical. The Church is in dialogue with other faith traditions. The Church is in dialogue with the whole world. Our goal is Christian unity so that the world may believe,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Inihayag ng cardinal na hindi kinalulugdan ng Panginoon ang anumang gawaing simbahan kung patuloy ang pagtatangkilik sa karahasan at kawalang katarungan sa lipunan lalo na sa mga dukha at naisasantabing sektor.

Iginiit ni Cardinal Advincula na dapat isabuhay ng bawat isa ang mensahe ni Propeta Isaiah na makakamit ang katarungan sa pamamagitan ng pagsasantabi sa karahasan, kayamanan at kapangyarihan sa halip ay pangalagaan ang mahihinang sektor ng pamayanan.

“Ours is an engagement and dialogue that is not limited to beautiful words alone. Ours is an engagement that dares to immerse itself in the stark reality of our world, a world that is wounded by injustice, sin and violence. We proclaim Christ crucified. We likewise proclaim the victory of the Risen Christ,” ani Cardinal Advincula.

Binigyang diin ng arsobispo na sa pagsilang ni Hesus sanlibutan ay nabigyang pag-asa ang mga naisasantabi gayundin ang mga dukha sapagkat niyakap ito ni Hesus nang buong pagmamahal.

Napapanahon din ang pagdiriwang ng Christian unity lalo’t marami sa mga kristiyano sa buong mundo ang nakararanas ng pang-uusig at diskriminasyon dahil sa pananampalataya na ayon sa datos ng Open Doors ay nasa 360-milyon.

Unang hiniling ni Pope Francis sa mananampalataya na ipanalangin ang bawat kristiyano na sa tulong at gabay ng Panginoon ay manahan ang Banal na Espiritu na magbibigay liwanag sa kaisipan ng tao.

1948 kasabay ng pagtatag ng World Council of Churches ay sinimulang ipagdiwang sa buong mundo ang walong araw na Week of Prayer for Christian Unity.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 109,738 total views

 109,738 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 117,513 total views

 117,513 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 125,693 total views

 125,693 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 140,645 total views

 140,645 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 144,588 total views

 144,588 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top