630 total views
Laging bukas ang simbahan sa lahat ng tao, maging iba man ang relihiyon at paniniwala saan mang sulok sa mundo.
Ito ang binigyang diin ni Fr. Greg Gaston-rector ng Collegio Filipino sa Roma na tulad din ng pagmamahal ni Hesus sa sangkatauhan.
Ayon kay Fr. Gaston, ganito rin ang nais na ipahayag ng Santo Papa Francisco sa paglikha ng mga bagong cardinal ng simbahan sa iba’t ibang dako ng mundo maging sa mga bansa na kaunti lamang ang mga katoliko.
“At gusto nga ni Pope Francis na galing sa buong mundo hindi lamang kung saan marami ‘yung mga katoliko, hindi lamang kung saan madaling maabot ‘no, saan established na ‘yung simbahan kundi pati sa mga lugar na kahit kaunting-kaunti ‘yung mga katoliko ay marinig din ng ating Santo Papa kung kumusta ‘yung mga tao doon kahit ‘yung mga hindi katoliko,” ayon kay Fr. Gaston.
Sa 20-bagong cardinal sa ginanap na consistory ay kabilang sa hinirang si Cardinal Giorgio Marengo sa simbahan ng Mongolia.
Si cardinal Marengo, ay isang Italyanong misyonero sa Apostolic Prefect of Ulaanbaar- ang pinakabatang obispo at ngayon ay ang pinakabatang cardinal ng simbahan.
Ang Mongolia ay matatagpuan sa hangganan ng China at Russia na may 40-libong populasyon kung saan 2.1 porsiyento ay mga kristiyanong protestante habang nasa higit isang libo ang mga binyagang katoliko.