237 total views
Iginagalang ng Simbahang Katolika ang pasya ng mamamayan sa pagpili ng mga bagong mambabatas at lingkod bayan sa katatapos na halalan.
Umaasa si Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Itinerant People na tunay na paglilingkod ang isusukli ng mga nahalal na opisyal kapalit ng tiwalang ipinagkaloob ng mga botante.
“Our people have spoken. It is their will, and we have to respect it. It is our prayer and hope that our elected officials will truly work at service of our people, not for certain person or political party and they will not fail us nor fail us again,” mensahe ni Bishop Santos.
Sa inisyal na resulta ng bilangan ng boto sa pangunguna ng Commission on Elections, lahat ng mga kandidatong pumuno sa 12 puwesto sa Senado ay pawang kakampi ng kasalukuyang administrasyon.
Hiniling din ni Bishop Santos sa mamamayan na patuloy ipanalangin ang mga lingkod bayan na magampanan ang susumpuang tungkulin para sa kapakanan ng mga Filipino.
“We must admit that our people still place their trust and future to the present Administration. Given a fresh mandate let us pray they will live up to our expectations, and we will not be sorry for whom we have elected them,” ani ni Bishop Santos.
Kaugnay nito, nangangamba ang ilan lalo na ang mga kritiko ng administrasyon na hindi na malaya ang pagpapasya ng Senado dahil sa impluwensya ng Punong Ehekutibo partikular sa usapin ng Death Penalty, Federalismo, giyera kontra droga at iba pang usaping panlipunan na may kinalaman sa karapatan ng mamamayan.
Nanawagan si Bishop Santos sa mga Filipino na magkaisang isulong ang mga pagbabago sa bansa sa kapakinabangan ng bawat Filipino.
“We at CBCP-ECMI, appeal that we all work together for peace and prosperity of our country; for better and to improve the lives of our people, let us as one, work together for new and better Philippines,” saad pa ni Bishop Santos.
Tiniyak naman ng Simbahang Katolika ang patuloy na pakikipag-isa sa pamahalaan para itaguyod ang kapakanan at karapatan ng mamamayan gayundin ang pagsusulong ng mga programang magpapaunlad sa pamayanan.