241 total views
Nagpaabot ng kanyang pagbati at pakikiisa si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa mga kapatid na Muslim sa kanilang mahalagang kapistahan, ang Eidl Adha o ang Feast of Sacrifice.
Ayon sa Obispo, nawa ay mapayapang mairaos ang pagdiriwang at maging paalala sa bawat isa para sa pagpapasalamat sa Panginoon.
“Nakiisa ako sa kanila at ang aking pagbati na ito ay paalala na ang lahat ay nanggaling sa Diyos at ang ating buhay ay dapat nating ilaan sa Diyos upang maging makahulugan. Mapayapang pagdiriwang ng Eidl Adha,” pahayag ni Bishop Bagaforo.
Ang Eidl Adha ay isang Muslim celebration bilang paggunita sa ginawang sakripisyo ng propetang si Ibrahim na base sa Quran ay isang mabuting tagasunod ni Allah.
Karaniwan ding nagsasagawa ng pilgrimage ang mga Muslim sa sa Mecca sa Saudi Arabia–ang sinasabing birthplace ng propetang si Muhammad.
Ang Pilipinas ay binubuo ng higit sa 10 milyong mga Muslim o labing isang porsiyento ng kabuuang populasyon na 100 milyon at karaniwang naninirahan sa rehiyon ng Mindanao.