201 total views
Umaasa ang Simbahang Katolika na ang isang buwang paggunita ng Ramadan ay maging daan ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at iba pang denominasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.
Ayon kay Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations tulad ng panalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ay magbunga nawa ang pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan ng pangkabuuang pagkakapatiran.
Ipinaabot rin ng Arsobispo ang pagbati at pakikiisa sa pagtatapos ng Ramadan at ibinahagi ang panalangin para sa pag-usad ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao lalo na sa mga pagbabagong hatid ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
“We hope that season of prayer will also bring about what Pope Francis and his counterpart in Abu Dhabi will say ‘we pray for fraternal humanity among all peoples that we are all brothers and sisters under the creator All Mighty God’ so this is our prayer and aspiration as we moved on in Mindanao, we work together for peace and development for everyone, again my greeting to our Muslim brothers and sisters…” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.
Sinabi ng Arsobispo na nakikiisa maging ang mga Katoliko sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagninilay at panahon ng pananalangin ng mga Muslim.
“We greet our Muslims brothers and sisters sa pagtatapos nila ng Ramadan season, it has been a month of prayer and also we pray that we arrive at the genuine development and reconciliation of peoples of Mindanao especially now with the start of the Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao…”dagdag pa ni Archbishop Ledesma.
Naunang nagpahayag ang Kanyang Kabanalan Francisco na nawa ay magbunga ng pangkabuuang pagkakapatiran ang paggunita ng Banal na Buwan ng Ramadan o Islamic Holy Month ng mga Muslim.
Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ang mga Katoliko.