Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 521 total views

Mga Kapanalig, nagtapos kahapon ang 2016 Summer Olympics na ginanap sa lungsod ng Rio de Janeiro sa bansang Brazil. Mahigit 11,000 atleta mula sa iba’t ibang bansa ang nakibahagi sa ika-31 Olympic Games, hindi lamang upang magpakitang gilas sa larangan ng palakasan kundi upang ipagdiwang ang kapayapaan at pagkakaibigan ng iba’t ibang lahi.

Makasaysayan ang Rio Olympics dahil sa kauna-unahang pagkakataon, bukod sa 206 na mga bansang nagsilahok, may binuo ang International Olympic Committee o IOC na isang grupo ng 10 manlalarong refugees, mga atletang lumikas sa kanila-kanilang magulong bayan. Kabilang sa Refugee Olympic Team ang mga atletang mula sa South Sudan, Syria, Congo, at Ethiopia. Sila ngayon ay kinukupkop sa iba’t ibang bansa gaya ng Belgium, Luxembourg, Kenya, Germany, at Brazil. Dalawa sa kanila ang sumali sa judo, dalawa sa swimming, at anim sa athletics.
Ayon sa IOC, ang Refugee Olympic Team ang simbolo ng pag-asa para sa mga refugees sa buong mundo. Sa pagsali nila sa Olympics, mabibigyan daw ng pandaigdigang atensyon ang lumalalang isyu ng mga refugees sa iba’t ibang bansa. Paalala rin ito sa lahat na ang mga refugees ay kapwa-tao natin, at sila ay bahagi sa pagpapayabong ng ating lipunan.

Simula’t sapul, ganito rin ang turo ng Simbahang Katolika tungkol sa mga refugees: sila ay kabahagi ng pamilya ng sankatauhan, at hindi dapat ituring na pabigat, gaya ng sinasabi ng ilang pinuno ng mga bansang isinara ang kanilang pinto sa mga refugees. Bilang mga taong may kakayanang magmahal at magmalasakit, tayo ay may pananagutang tugunan ang kanilang mga pangangailangang ipinagkait sa kanila sa sarili nilang bayan.

Isa sa mga pinaka-popular na miyembro ng Refugee Olympic Team ay si Yusra Mardini. Isa siyang Syrian na lumangoy sa dagat kasama ang kanyang kapatid at isa pang kababayan nang halos tatlong oras upang makarating sa Greece. Tumaob kasi ang kanilang sinasakyang maliit na bangkang lulan ang isang dosenang Syrians, kaya’t kahit mapanganib ang karagatan, itinulak nila ito papalapit sa pampang. Kasama siya sa mga libu-libong kinupkop ng pamahalaang Germany, at doon ay nagsanay si Mardini nang ilang buwan upang maging manlalangoy. Hindi man nakaabot si Mardini sa finals ng 100-meter butterfly sa Rio Olympics, nanguna naman siya sa kanyang heat o grupo ng manlalaro. Tunay ngang world class ang taong ito, hindi lamang bilang isang atleta kundi bilang isang kapwa-refugee na handang tulungan ang kanyang mga kasamahan.

Bago pa magsimula ang Rio Olympics, nagpadala na ng personal na mensahe sa mga atleta ng Refugee Olympic Team ang ating Santo Papa Francisco. Pinasalamatan ng Santo Papa ang mga miyembro ng Refugee Olympic Team dahil sa kanilang ipinapakitang tapang at lakas na magsisilbing panawagan para sa pandaigdigang kapayapaan at pagkakaisa laban sa karahasan at kawalan ng pakialam at kamalayan sa kapakanan ng mga refugees na tulad nila. Inaasahan ni Papa Francisco na sa kanilang pagsali sa Rio Olympics, mauunawaan ng ng lahat na walang nagwawagi sa karahasan.

Nakalulungkot lamang na habang nakikilahok ang koponan ng mga refugees sa Rio Olympics, patuloy pa rin ang digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo, partikular na sa Syria. Sa katunayan, nitong isang linggo lang, muli na naman nating nasilayan ang mukha ng mga refugees sa katauhan ni Omran, isang limang-taong gulang na Syrian. Nailigtas siya at ang ang kanyang mga kapatid mula sa kanilang bahay matapos itong pasabugin sa gitna ng digmaan. Tulalâ ang bata, hindi alam ang karahasan at kaguluhang nasaksihan sa napakamurang edad.
Ilang tao pa kaya ang kailangang mag-alay ng kanilang buhay upang tuluyan nang matapos ang kahirapan at digmaan sa buong mundo? Mga Kapanalig, sa ating mga panalangin, alalahanin natin ang mga kapatid nating refugees.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 12,419 total views

 12,419 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 43,558 total views

 43,558 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 49,144 total views

 49,144 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 54,660 total views

 54,660 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 65,781 total views

 65,781 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 12,420 total views

 12,420 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 43,559 total views

 43,559 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 49,145 total views

 49,145 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 54,661 total views

 54,661 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 65,782 total views

 65,782 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 78,311 total views

 78,311 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 66,013 total views

 66,013 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 74,495 total views

 74,495 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 67,554 total views

 67,554 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 74,478 total views

 74,478 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 71,572 total views

 71,572 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 82,073 total views

 82,073 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 97,146 total views

 97,146 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 103,110 total views

 103,110 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 107,257 total views

 107,257 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top