11,198 total views
Sa ating bansa, usong-uso ang price hike… lahat na lamang ng pangunahing bilihin at serbisyo publiko., tumataas ang halaga o presyo. Ang sagot nating mga Pilipino, maghigpit ng sinturon. Paano naman Kapanalig kung wala kang pambili?
Nagdeklara na ang Department of Agriculture ng national food security emergency. Katwiran ng DA, upang matugunan ang mataas na presyo ng bigas..Wala namang epekto? Mataas pa rin ang presyo ng bigas. Hindi lang maamin ng DA na ang tunay na dahilan ng emergency ay upang makapag-import ng bigas. Nakapagtataka di ba Kapanalig? Magkano kaya ang kita dito?
Umabot na sa 250-pesos kada kilo ang presyo ng red onion(pulang sibuyas) sa merkado habang ang puting sibuyas ay 140-pesos kada kilo.. Ora mismo, ang sagot ng DA… mag-import agad, upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng halaga ng sibuyas sa merkado.. Sa darating na February 20, 2025 darating sa bansa ang 3,000 metriko-toneladang imported na pulang sibuyas habang 1,000 metriko-tonelada naman sa putting sibuyas… Kapanalig, noong taong 2022, umabot sa 720-pesos kada kilo ang presyo ng sibuyas dahil sa kakulangan ng suplay at hoarding mga ganid na negosyante.
Agad na umalma ang mga farmer groups, bakit mag-iimport ng sibuyas ang Department of Agriculture? Sa kasalukuyan, patuloy at sagana ang ani ng mga magsaaska. Inaasahang bubuhos ang ani ng sibuyas mula sa Pangasinan, Occidental Mindoro at Nueva Ecija sa darating na buwan ng Marso at Abril. Tila hindi napapanahon ang importasyon?
Ang importasyon ng DA sa sibuyas ay “Double whammy” sa mga lokal na magsasaka ng sibuyas na apektado ng magkakasunod na bagyo noong taong 2024 at pag-atake ng armyworms at sa kasagsagan ng anihan.. mag-iimport ang DA?
Kaninong interes ba ang pino-protektahan ng Department of Agriculture? Ang mga magsasaka o mga negosyante?
Kapanalig, ang pag-iimport ay pinayagan kung ang produktong agrikultura ay kailangang-kailangan. Bakit ka mag-iimport kung ang agricultural products ay nasa harvest season?
Kuwestiyunable din ang deklarasyon ng DA sa “shortage” o kakulangan sa suplay ng sibuyas. Hindi pa natatapos ang anihan sa peak season, paano nalaman ng DA na may shortage?Sa pagpasok ng imported na sibuyas sa merkado, tiyak Kapanalig, bababa ang farmgate price ng lokal na sibuyas, talo na naman ang mga magsasakang Pilipino. Di ba Pilipino muna bago dayuhan?
Sinasabi sa James5:7 “Be patient, therefore, brothers, until the coming of the Lord. See how the farmer waits for the precious fruit of the earth, being patient about it, until it receives the early and late rains.”
Sana matutuhan natin Kapanalig ang sinasabi sa Ecclesiastes 3:1 “There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens.
Sumainyo ang Katotohanan.