Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sino ang tunay na nakikinabang sa pagmimina?

SHARE THE TRUTH

 331 total views

Mga Kapanalig, ano nga ba ang natutunan natin nang ating naranasan ang hagupit ng mga nagdaang bagyo noong nakaraang taon kung kailan sunud-sunod at kabi-kabilang landslide at mudslide ang nanalasà sa iba’t ibang bahagi ng Luzon? Nakapanlulumo ang sinapit ng mga kababayan natin nang tangayin ng rumaragasang tubig-baha at putik ang kanilang mga bahay at ari-arian. Marami ang stranded sa kanilang mga bubong at nahirapang lumikas. Malinaw na sa tuwing may dumarating na unos, ang mga mahihirap ang pinakanagdurusa at kaawa-awa.



At ang mga komunidad malapit sa mga minahan ang pinakalantad sa mga panganib at sakuna. Ngunit sa isang komprehensibong ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (o PCIJ), lumabas na patuloy pa rin ang operasyon ng 28 minahan sa Benguet matapos itong ipasuspinde at ipasara ng yumaong dating kalihim ng Department of Environment Natural Resources (o DENR) na si Gina Lopez noong 2017. Ipinasara ng yumaong kalihim ang mga minahan matapos lumabas sa isinagawang audit na maraming “serious environmental violations” ang mga malalaking minahan sa Benguet.

Isa ang mining sa mga malalaking industriya sa mga lalawigan na nagbibigay ng trabaho sa mahigit 180,000 manggagawa. Ngunit ayon din sa ulat ng PCIJ, nasa 0.5% lamang ang kontribusyon ng mining industry sa ating ekonomiya noong 2019, at para kay yumaong Secretary Lopez, hindi hihigit ang economic benefits ng pagmimina sa dulot nitong panganib sa kapaligiran. Sinabi rin ng Cordillera People’s Alliance (o CPA), isang koalisyong itinataguyod ang karapatan ng mga katutubo sa rehiyon, na ang isinagawang audit noong 2017 ay bunga ng matagal nang paghihirap ng mga apektadong komunidad dahil sa mapanirang operasyon ng mga minahan. Dagdag pa ng CPA, nananatiling lugmok sa kahirapan ang mga taga-Benguet kahit na mahigit isandaan taon na ang pagmimina sa lalawigan. Kaya sino nga ba talaga ang tunay na nakikinabang sa pagmimina at sino naman ang nagdurusa sa tuwing bumabaha at gumuguho ang kabundukan?

Matagal nang iniuugnay ng mga pamayanan sa gilid ng Abra River ang polusyon ng mga ilog sa mga mining operations na sumisira sa kanilang irigasyon, pangisdaan, at iba pang kabuhayan. At tulad ng trahedya sa Cagayan Valley at Bicol noong nakaraang taon, paniguradong hindi naman ang mga mayayamang may-ari at stockholders ng mga minahang ito ang nagdurusa sa tuwing may sakuna. Hindi sila ang nawawalan ng tirahan at ari-arian. Hindi sila ang namamatay o nawawalan ng mahal sa buhay.

Ngayong mag-iisang taon na ang pandemya ng COVID-19, tila natatakpan nito ang matagal nang krisis na dulot ng pagkasira ng kalikasan. Ngunit hindi dapat gawing dahilan ang pandemya upang isantabi ang isyung pangkalikasan. Nakadidismayang patuloy pa rin ang mga development aggression projects ng gobyerno at ng malalaking kompanya sa ating bansa—mga proyektong hindi isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga maaapektuhang komunidad at ang pagkawala ng kanilang hanapbuhay, kultura, at pagkakakilanlan, sa ngalan ng “kaunlaran” ng iilan. Pinaaalalahanan tayo ng Unang Sulat ni San Pedro 4:10 na gamitin ang mga kaloob ng Diyos para sa ikabubuti ng lahat at maging mabubuting katiwala ng mga ito. Ang sangnilikha ay kaloob sa atin ng Diyos na dapat nating responsableng gamitin at alagaan para sa ikauunlad ng lahat. Maliit na nga ang ambag ng pagmimina sa ating ekonomiya, nagiging sanhi pa ito ng pagpapalayas sa ating mga kababayan sa kanilang tahanan at pagkasira ng kalikasan. Malinaw sa mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin ng sangkatauhan ang pangangalaga sa kalikasan upang makamtan ang kabutihang panlahat o common good.

Mga Kapanalig, huwag na nating hintaying makapaminsalang muli ang mga minahan sa ating bansa. Huwag nating hayaang pagsamantalahan ng iilan ang biyayang ipinagkaloob ng Diyos para sa lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,129 total views

 43,129 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 34,233 total views

 34,233 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »

Walang special treatment dapat

 39,883 total views

 39,883 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,455 total views

 43,455 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »

Ningas-cogon

 55,915 total views

 55,915 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,130 total views

 43,130 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 34,234 total views

 34,234 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 39,884 total views

 39,884 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,456 total views

 43,456 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 55,916 total views

 55,916 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 66,986 total views

 66,986 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,305 total views

 73,305 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 77,917 total views

 77,917 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,478 total views

 79,478 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,039 total views

 45,039 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,700 total views

 67,700 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,276 total views

 73,276 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,757 total views

 78,757 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,870 total views

 89,870 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,869 total views

 85,869 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top