Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sinong mapapahamak sa Cha-cha ni CGMA?

SHARE THE TRUTH

 263 total views

Mga Kapanalig, ipinasá noong nakaraang linggo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Resolution of Both Houses No. 15. Sa panukalang ito, na inihain ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, nais ng mga mambabatas na mag-Charter change o Cha-cha upang gawing pederál ang porma ng ating pamahalaan. Sinasabing minadali o ni-railroad ang panukala dahil ipinasá ito kahit kaunti lamang ang nasa plenaryo at hindi naging sapat ang mga konsultasyon at deliberasyon.

Isa sa pinakamatingkad at kontrobersyal na probisyon sa nasabing panukala ay ang pag-aalis ng term limits o ng malinaw na itatagal ng panunungkulan ng ating mga lider. Sa ngayon, pinapayagan lamang na ma-reelect para sa pangalawang termino ang mga senador na may anim na taóng panunungkulan bawat termino, habang tatlong taon naman ang haba ng panunungkulan ng mga kongresista at party-list representatives na pinapayagang tumakbong muli hanggang sa tatlong termino. Kung wala nang term limits, maaaring manatili sa iilang tao ang kapangyarihan bilang mambabatas at hindi na mabibigyan ng pagkakaton ang ibang nais ding maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas.

Wala ring probisyon ang RBH No. 15 na nagbabawal sa political dynasty. Malinaw na itinatakda ng Saligang Batas ng 1987 ang pagkakaroon ng isang batas na tahasang magbabawal sa paghahalal ng magkakamag-anak nang sabay-sabay. Hindi sa sinasabi nating walang karapatan ang mga magkakapamilyang tumakbo sa eleksyon, ngunit batay sa pag-aaral na ginawa ng Asian Institute of Management Policy Center noong 2012, matindi ang kahirapan at malaki ang agwat ng mayayaman at mahihirap sa mga lugar na maraming political dynasties. Sa mga pinakamahihirap na distrito sa ating bansa matatagpuan ang mga tinatawag na “fat dynasties” o mga angkang may mahigit sa dalawang miyembro na nasa pulitika.

Bakit daw inalis sa panukala ang dalawang probisyong ito? Ayon sa mga mambabatas na sumuporta sa RBH No. 15, hindi na raw kinakailangan ang mga ito dahil kapag inalis raw ang term limits, hindi na kakailanganin ang anti-political dynasty provision. Tila ba ipinahihiwatig nilang hindi na kailangang tumakbo ng asawa o anak ng isang politiko sa susunod na halalan dahil tuluy-tuloy naman na ang kanyang termino. Anong lohika mayroon ang ganitong pangangatwiran?

Lagi nating naririnig tuwing eleksyon ang isyu ng political dynasty, at lagi rin namang may mga pulitikong nagsasabing hindi dapat maging batayan ang kanilang pinanggalingang pamilya upang hindi sila makapaglingkod sa bayan. Ngunit ang katotohanan, sila-sila ring magkakapamilya ang nasa balota. Tiyak na may mga magkakamag-anak sa uupo sa iba’t ibang puwesto, at tiyak na may mga nananalong asawa, kapatid, o anak ng isang pulitikong natapos na ang termino. Nangyayari ito dahil wala nang ibang kilala ang mga tao, dahil maaaring nakatanggap sila ng pabor mula sa mga ito, o kaya naman ay hindi talaga batayan ng mga botante ang talino, integridad, at husay ng mga kandidato—at ang mga ito ang sinasamantala ng mga pulitikong nais manatili sa kapangyarihan na para bang negosyo na nila ang pagtakbo sa pulitika.

Ang ganitong kultura sa ating pulitika ay salungat sa prinsipyo ng pagbibigay-kapangyarihan sa taumbayan o people emowerment na binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan. Bilang mga Kristiyano, tungkulin nating makilahok sa pulitika ngunit kailangang tumatanaw ito sa kabutihang panlahat o common good. Bahagi ng pagiging mabuting Kristiyano ang pagtiyak na ang pulitika ay ginagamit upang maging instrumento ng pagtataguyod ng kapakanan ng lahat at hindi ng interes ng iilan.

Kaya mga Kapanalig, kung hahayaan nating magtagumpay ang mga nais alisin ang term limits ng mga lider at panatilihin ang political dynasties, nagiging tulay tayo tungo sa kapahamakan ng ating kapwa at natin mismo. Tingnan na lamang natin kung nasaan tayo ngayon bilang isang bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,750 total views

 29,750 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,406 total views

 44,406 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,521 total views

 54,521 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,098 total views

 64,098 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,087 total views

 84,087 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 29,751 total views

 29,751 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,407 total views

 44,407 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,522 total views

 54,522 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 64,099 total views

 64,099 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,088 total views

 84,088 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,595 total views

 48,595 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,620 total views

 43,620 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,189 total views

 47,189 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,644 total views

 59,644 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,711 total views

 70,711 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,030 total views

 77,030 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,641 total views

 81,641 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,201 total views

 83,201 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,762 total views

 48,762 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,455 total views

 69,455 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top