26,365 total views
Nanawagan ng pakikiisa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa nakatakdang Walk for Life ngayong taon.
Napiliping tema ng “Walk for Life 2024” ang “Together, We Walk for Life” na nakatakda sa ika-17 ng Pebrero, 2024 mula alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga.
Magsisimula ang paglalakad para sa buhay sa Welcome Rotonda, Quezon City patungo sa University of Santo Tomas (UST) Grandstand sa España, Manila kung saan inaasahang pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng banal na misa.
“Walk for Life 2024” with the theme “Together, We Walk for Life” will be held on February 17, 2024, from 4:00 A.M. to 8:00 A.M. at the University of Santo Tomas (UST) Grandstand in España, Manila. It will start at the Welcome Rotonda, Quezon City, going towards the University of Santo Tomas (UST) Grandstand, where a program and Eucharistic Celebration to be presided by His Eminence Jose Cardinal F. Advincula, D.D., Archbishop of Manila will be held. We would like to invite you to participate actively in upholding, promoting, and defending the sacredness of life and the dignity of every person.” Ang bahagi ng paanyaya ng LAIKO.
Ang Walk for Life ay unang isinagawa noong 2017 sa pangunguna ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na implementing arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na naglalayong ipahayag ang mariing paninindigan para sa buhay na hindi lamang nakatuon sa usapin ng extrajudicial killings kundi sa iba pang usapin na malaking banta sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.
Ang Sangguniang Layko ng Pilipinas ang nangangasiwa sa iba’t ibang National Catholic Lay Organizations sa bansa kasama na ang iba’t ibang archdiocesan at diocesan Councils of the Laity ng 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa.