10,038 total views
Nananawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa mga mananampalataya na magkaisa sa pananalangin para sa kapayapaan sa Holy Land.
Partikular na nananawagan ang implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na pinangangasiwaan ng chairman na si Tarlac Bishop Enrique Macaraeg sa mga Diocesan Councils of the Laity, National Lay Organizations at mga layko na magkaisa sa pananalangin para sa kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayang naiipit sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestina sa Gaza strip.
“We, the Sangguniang Laiko ng Pilipinas, appeal to our brothers and sisters in the Diocesan Councils of the Laity, Ecclesiastical Communities, National Lay Organizations and all Catholic lay people, to join us in praying for Peace in the Holy Land. The attack on the people in that land is shocking and surprising, and we need to pray harder now for an end to the conflict, and a pathway to peace.” Ang bahagi ng panawagan ng SLP.
Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magkaisa ang lahat na tumugon sa panawagan ng Santo Papa Francisco na pananalangin sa paggabay ng Panginoon lalo’t higit sa mga bansang may nagaganap na sagupaan.
“We also join all believers as we “pray with one heart and one soul with Pope Francis.” We know that our prayers will be answered, and peace will reign.” bigay diin ng SLP.
Unang umapela si Pope Francis sa militanteng grupong Hamas na palayain ang mga dinukot na inosenteng indibidwal kung saan may tinatayang 150-hostage ang militanteng grupo sa Gaza mula ng sumiklab ang kaguluhan sa lugar noong ika-7 ng Oktubre, 2023.
Sa tala ng embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv ligtas na at nasa pangangalaga na ng embahada ang 23 sa 29 na nawawalang Pilipino sa lugar.
Tiniyak din ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pananalangin para sa kaayusan at kapayapaan ng Israel at Palestina gayundin para sa kaligtasan ng mga mamamayan kabilang na ang aabot sa 30,000 Overseas Filipino Workers sa lugar.
Read: https://www.veritasph.net/pagkakasundo-ng-israel-at-hamas-ipinagdarasal-ng-cbcp/
Naunang nanawagan ang Filipino Catholics in Israel sa mga Filipino na ipagdasal ang kanilang kaligtasan sa Israel.
Read: https://www.veritasph.net/filipino-catholics-sa-israel-humiling-ng-panalangin/