17,453 total views
Umapela ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa nakatakdang 23rd Laiko National Biennial Convention.
Tema ng nakatakdang pagtitipon ang “United in Mission as a Synodal Church” kung saan inaasahang bahagi ng tatlong araw na pagtitipon ang talakayan sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga laiko bilang katuwang ng Simbahan sa misyong higit na palaganapin ang Salita ng Diyos sa sangkatauhan.
Nakatakda ang 23rd National Biennial Convention ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa ika-27 hanggang ika-29 ng Oktubre, 2023 sa Summit Hotel sa Tacloban City.
Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na kasalukuyang pinanganasiwaan ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg.