Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 294 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang homilya sa isang misa para sa paggunita sa ika-500 taóng anibersaryo ng Ebanghelisasyon sa Pilipinas o ang pagdating ng Kristiyanismo sa ating bayan, inilarawan ni Pope Francis ang mga Pilipinong naroroon sa Roma bilang mga “smugglers of faith”.

Hindi man maganda sa pandinig ang salitang “smuggler” dahil para itong gawaing kriminal, mauunawaan nating ang pakahulugan ng Santo Papa sa salitang ito ay akma sa isang mundong patuloy na tumatalikod sa Diyos, isang mundong nababalot ng dilim na dala ng kasalanan at kasamaan. Ayon kay Pope Fancis, kahit nasaan ang mga Pilipino, lagi tayong umaani ng pananampalataya. Nakikita niya sa pagsusumikap ng mga Pilipino, lalo na ang mga nakakasalamuha niya sa Roma, kung paano tayo nagiging saksi ng ating Kristiyanong pananampalataya. Para daw tayong may dalang nakahahawang sakit, ngunit ang ikinakalat natin ay ang Mabuting Balita na ating unang narinig limandaang taon na ang nakararaan. Isa itong katangian nating mga Katolikong Pilipino na ipinagpapasalamat ng ating Santo Papa.



Masalimuot ang kasaysayan ng ating Simbahan mula nang napadpad sa ating dalampasigan ang mga dayuhang nagdala ng pananampalatayang Katoliko. Hindi rin maitatanggi ang katotohanang maraming pagkukulang ang Simbahang Katolika sa Pilipinas. Hindi ito perpektong institusyon, ngunit hindi rin naman nito layong maging isang institusyong hindi nagkakamali. Tayo sa Simbahan ay mga taong nakagagawa ng mali, ngunit bilang mga tagasunod ni Kristo, buong pagpapakumbaba nating inaako ang mga ito, natututo, at nagsusumikap na gawin ang tama, na sundin ang kalooban ng Diyos.

Sa homilyang muli ni Pope Francis, inuudyukan niya tayong magpatuloy sa gawain ng Ebanghelisasyon, ang ihatid ang Mabuting Balita ng Diyos sa ating kapwa. Ngunit hindi ito katumbas ng tinatawag na proselytism, o ang pagpilit sa ibang taong pikit-matang tanggapin ang ating mga pinaniniwalaan at mga katuruan. Sa kabila ng ating kahinaan at mga kasalanan, gayundin ng maraming balakid sa ating paligid, tayo ay inaanyayahang ibahagi sa iba ang mensahe ng Ebanghelyo ng pag-ibig ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng pag-ibig sa ating kapwa. Diin ni Pope Francis, hindi kalooban ng Diyos na may mamatay, kaya ang Simbahan—tayong lahat iyon, relihiyoso at laiko—ay tinatawag na kalingain ang kapwa nating nasasaktan, naghihirap, at isinasantabi. Ito ang mensahe ng pag-ibig na mababasa natin sa Juan 3:16, “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak.”

Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan—limandaan taon mula nang dumating ang Kristiyanismo—paano natin naisasabuhay ang mensahe ng pag-ibig ng Diyos? Bilang isang Simbahan, paano natin nagagawa ang misyong tanggapin at ipalaganap ang kaligtasang mula kay Hesus, ang anak ng Diyos na ibinigay Niya dahil sa kanyang pag-ibig sa atin?



Paano natin naipapalaganap ang Mabuting Balita sa gitna ng patuloy na paghihirap ng marami sa atin dahil sa pandemya—sa milyun-milyong manggagawang nawalan ng trabaho, mga magulang na nawalan ng hanapbuhay, mga bata at nakatatandang pinapabayaan at inaabuso, mga kapatid nating nagkasakit at namatay dahil sa hindi pa rin mapigilang sakit?

Mga Kapanalig, gustuhin man nating ipagdiwang ang espesyal na okasyong ito sa ating Simbahan sa pamamagitan ng masasaya at banal ng mga pagtitipon, kailangan nating ipagpaliban ang mga ito sa gitna ng mga pangyayari sa ating bansa. Ngunit balikan natin ang paglalarawan ni Pope Francis sa ating mga Pilipinong mananampalataya—mga “smugglers of faith”. Sa gitna ng dilim na bumabalot sa ating paligid, subukan nating magpuslit ng pananampalatayang nagdadala ng liwanag—isang liwanag na nagmumula sa ating pag-ibig sa Diyos, isang liwanag na kahit gaano man kahina, nagagawang magparamdam sa iba na hindi tayo iniiwan ng Diyos, na may pag-asa at pagbabagong darating. Ito ang biyaya ng ating pananampalatayang Katoliko.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 4,894 total views

 4,894 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 11,227 total views

 11,227 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 15,841 total views

 15,841 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 17,402 total views

 17,402 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 33,302 total views

 33,302 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 4,895 total views

 4,895 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 11,228 total views

 11,228 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 15,842 total views

 15,842 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 17,403 total views

 17,403 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 33,303 total views

 33,303 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 62,096 total views

 62,096 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 67,672 total views

 67,672 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 73,153 total views

 73,153 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 84,266 total views

 84,266 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 80,265 total views

 80,265 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 67,967 total views

 67,967 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 76,449 total views

 76,449 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 69,508 total views

 69,508 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 76,432 total views

 76,432 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 73,526 total views

 73,526 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top