212 total views
Inaasahang maisasama na rin sa curriculum ng lahat ng mga Catholic schools ang pag-aaral sa Social Doctrine of the Catholic Church.
Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, mahalagang magkaroon ng pag-unawa ang mga kabataan sa panlipunang doktrina na tumatalakay sa mahahalagang usapin tulad ng paggawa, kalikasan, edukasyon at kalagayang pang-ekonomiya.
“Sa aming pong diocese, sinusubukan muna namin na maintegrate ito sa school curriculum. Gusto naming tignan muna, kung ano ang magiging proseso kung paano ito maintegrate sa curriculum naming para sa religious education ng mga estudyante. Nag-umpisa po kami ngayon paunti-unti. We hope pagnag-succeed kami sa diocese, we will be able to share our experiences to other dioceses. Hopefully it will bring about change in our students and we will be able to integrate in our curriculum,” ayon kay Bishop Mallari.
Ayon sa obispo ang hakbang ay bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa Francisco na maipaalam sa kabataan ang mga gawaing sa ebanghelyo na makakatulong para sa pagsusuri ng sarili tungo sa pagbabago- una sa sarili, sa kapwa at sa buong mundo.
Paliwanag ng Santo Papa Francisco ang mundo sa kasalukuyan ay puno ng takot at karahasan na maari lamang maging makatao sa pamamagitan ng pagbabalik loob sa Diyos at pagmamalasakit sa kapwa.
Sinabi ng Obispo, magiging pilot schools ang may 11 catholic schools ng Diocese of San Jose lalu na sa senior high school.
Dagdag pa niya, kabilang na rin ang panlipunang katuruan ng simbahan sa magiging paksa sa mga pagtitipon ng mga Katekista para maibahagi rin sa kanilang pagtuturo sa kabataan sa simbahan at mga paaralan.
“Actually sa mga seminars and gatherings of catechists all over the Philippines will be inviting also Fr. Richard to talk about YOUCAT and DOCAT para sa ganun gamitin ng mga katekista natin ito bilang mga resource books para sa ganun ay maantabayanan talaga ng mga katekista ang mga kabataan,” bahagi pa ng pahayag ni Bishop Mallari.
Ang pahayag ng obispo ay kaugnay na rin sa ginawang book launching ng DOCAT- ang aklat na naglalaman ng katuruang panlipunan ng simbahan na isinalin sa Filipino na akma para tamang pag-unawa ng mga kabataan na siyang pangunahing resource materials sa pagtuturo.
Ang Catholic Educational of the Philippines o CEAP ay binubuo ng 1,252 paaralan na matatagpuan sa 16 na rehiyon sa buong bansa.
Una na ring inilunsad ang YOUCAT o Youth Cathechism book ay handog ni Pope Benedict XVI matapos ang World Youth day sa Madrid.
Habang ang DOCAT o sa englis ay ‘to do’ – ay adapatation ng social doctrine of the Church na inihahandog naman ni Pope Francis sa kabataan at paghikayat sa higit isang milyong kabataan na magsasabuhay ng panlipunang turo na magsisimula sa bawat isa, sa lipunan hanggang pagbabago ng buong mundo tungo kapayapaan at pagmamahal sa pamamagitan ng gabay ng ebanghelyo.