276 total views
Mapayapa at maayos ang isinagawang special Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Marawi City, Lanao del Sur matapos ipagpaliban ng ilang buwan dahil sa naganap na kaguluhan sa lugar.
Ito ang inihayag ni Atty. Rona Ann V. Caritos, Executive Director – Legal Network For Truthful Elections (LENTE) kaugnay sa katatapos lamang na halalang pambarangay sa syudad noong ika-22 ng Setyembre.
Batay sa monitoring ng LENTE, bagamat naging mapayapa sa pangkabuuan ang halalan ay mayroon paring mga election offenses.
Ayon kay Atty. Caritos kabilang sa mga paglabag ay ang pagkakaloob ng transportasyon ng mga lokal na pulitiko sa mga botante, pamamahagi ng mga campaign paraphernalia malapit sa mismong mga presinto, vote buying, pagboto ng mga watchers para sa mga botante at ang pananatili ng mga kandidato sa mga voting centers.
“The special conduct of the 2018 Marawi Barangay and SK elections was generally peaceful. Unfortunately, such peacefulness did not translate to the integrity of its conduct. On election day, the Legal Network for Truthful Elections (“LENTE”) observed the following election offenses: transportation provided by local politicians, distribution of campaign paraphernalia, vote buying, watchers were the ones voting for voters and presence of candidates in voting centers.” pahayag Caritos.
Gayunpaman, nilinaw ni Atty. Caritos na marami ring mga naipatupad na nakapagpadali at nakatulong upang mas maging maayos ang naturang special election tulad ng crowd control at exclusive lane para sa mga Persons with Disability (PWD), senior citizens at mga nagdadalang tao.
Pinuri rin ng LENTE ang paggabay ng mga election officers sa kung saan boboto ang mga botante.
Matatandang pansamantalang ipinagpaliban ng Commission on Elections ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa lugar noong Mayo dahil sa epekto ng katatapos pa lamang na sagupaan sa syudad.
Batay sa tala may humigit kumulang 50,000 ang bilang ng mga botante sa Marawi City.