204 total views
Hindi madali ang maging misyonero sa Marawi City.
Ito ang pahayag ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña, lalu’t nangangailangan ng mga volunteers at missionaries ang prelatura bunsod na rin ng katatapos lamang na digmaan.
Ayon sa obispo, kailangan munang makita ng nais na mag-volunteer ang kalagayan ng lungsod at pakinggan ang tinig ng Panginoon, kung dito sya nararapat na magsilbi para sa misyon ng simbahan.
“Come and see, look around. Come and see. Dahil sa tingin ko ng kailangan ng special calling. Not everybody can go to Marawi. Kailangan ang mga misyonero mismo ang mag-volunteer because he/she has heard a special call from the Lord. Obedience will not sustain us. Kailangan narinig ang tawag ng Panginoon,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Dela Peña.
Paliwanag ng obispo, kinakailangan ng pagkakaroon ng ‘special calling’ para maglingkod sa prelature at sa lungsod na kakaunti lamang ang mga kristiyano.
Ang prelatura ay may pitong mga pari, para mangasiwa sa pitong simbahan.
Sa tala, mula sa 300,000 populasyon ng lungsod, 90 porsiyento sa mga ito ay pawang mga mga Muslim.
Higit naman sa P50 bilyon ang kailangang pondo para sa rehabilitasyon ng lungsod na labis na napinsala ng limang buwang digmaan sa pagitan ng Maute-Isis terrorists at ng pamahalaan. (Marian Navales-Pulgo)