777 total views
Huwag magpabola sa mga kandidato.
Ito ang paalala ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan sa mga botante na maghahalal ng mga bagong pinuno ng Pilipinas sa ika-9 ng Mayo, 2016.
Pinayuhan ng Obispo ang mga botante na huwag umasa sa mga sinasabi at ipinapangako ng mga kandidato sa halip ay maging matapang sa pagtuklas sa katotohan.
Ayon sa Obispo, mahalagang alamin ng mga botante ang katotohanan hinggil sa ibobotong kandidato upang magkaroon ang bansa ng pinunong may integridad, may katapatan at may sensiridad sa paglilingkod sa ngalan ng kanilang pagmamahal sa Diyos at sa ating bayan.
Hinamon ni Bishop Cabantan ang lahat na maging matapang at masigasig na ihayag ang katotohanan at iwasan ang kasamaan sa ating lipunan.
“Be courageos in searching for the truth and live for it. As election draws near there are so many truths to uncover if we just rely on the different candidates speaking. Let us be guided with the Spirit of Truth so that we can courageosly elect persons with integrity, honesty, and sincere in their love for God and country. May we be courageous also in announcing what is true and denouncing the evils in society.”panawagan ni Bishop Cabantan
Pinaalalahanan din ng Obispo ang bawat botante na mag-isip, magnilay at magdasal bago bumoto.
See http://www.veritas846.ph/think-reflect-pray-bago-bumoto/
Samantala, Hinimok ng CBCP Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na aktibong makilahok sa mga gawain para sa pagkakaroon ng isang tapat at malinis na halalan sa bansa.
Pinayuhan ni Father Kunegundo Garganta, Executive Secretary ng komisyun ang mga kabataan na maging volunteer poll watcher sa halalan para mabantayang mabuti ang automated elections sa bansa.
Inihayag ng pari na kung walang pagkakataon na maging volunteer ay gamitin ang social media sa pagbabantay ng botohan at i-report ang mga di-kanais-nais at mga dayaang nakikita sa kanilang mga presinto.
Hinimok din ni Father Garganta ang mga kabataan na bumoto at gamitin ng tama ang kanilang karapatan at kalayaan sa pagboto.
“That our young people can be very much actively engaged and our election its very- very close to election month”.pahayag ni Father Garganta sa Radio Veritas
Inaasahan naman ng pari sa patuloy na pagsasagawa ng mga kabataan ng corporal works of mercy at spiritual works of mercy.
Sa datus ng Commission on Elections, umaabot sa 37-porsiyento ng mga registered voters ay mga kabataan o may kabuuang bilang na 20-milyon mula sa 54.6-milyong registered voters sa bansa.(Riza Mendoza)