20,020 total views
Inaanyayahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang mananampalataya na samantalahin ang panahon ng Kuwaresma para sa pagkakaroon ng spiritual renewal at pagbabalik-loob sa Panginoon.
Ayon sa Arsobispo na siya ring chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Youth, nararapat na samantalahin ng bawat isa ang 40 araw ng Kuwaresma upang magbago, makipagkasundo, magbahagi, at mangalaga ng kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan upang mapadalisay ang sarili mula sa kasalanan at kasamaan.
Paliwanag ni Archbishop Alarcon, ang panahon ng Kuwaresma ay isang paghahanda para sa pag-alala sa pambihirapang pagsasakripisyo, pagpapakasakit, pagkamatay sa krus at muling pagkabuhay ni Hesus upang isakatuparan ang pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.
“Let us take the opportunity of this 40-days of Lent to renew, to reconcile, to share, and to care, to purify ourselves of sin and evil. The blood of Jesus washes away our sins and allows us to rise to new life, the cross of Jesus is a supreme solidarity with our human situation, there in the apparent defeat of our Lord in the cross show the glory of the Father, His unfailing love and mercy thus Lent does not end in darkness and death but leads us to Easter, the resurrection of our Lord repent and believe the Gospel.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Alarcon.
Pagbabahagi ng Arsobispo, ang panahon ng Kuwaresma ay isa ring pagkakataon upang ganap na maipamalas ang pagmamahal sa Panginoon at maging sa kapwa sa pamamagitan ng taimtim na pagnanalangin at pagninilay, pag-aayuno, pagkakawang gawa, pagwawaksi ng pagiging makasarili at pagsunod ng tapat sa Panginoon.
Nawa ayon kay Archbishop Alarcon ay ganap na maunawaan ng bawat isa ang halaga ng pagpapakasakit ng Panginoong Hesus para sa kaligtasan ng sanlibutan.
“Lent is once again a call to prayer, fasting, alms giving, and works of charity. This requires us to die unto ourselves to give life to others so that in the end we may find a new life in Christ. During these days of Lent may we find joy in humility, freedom in reconciliation, strength in sacrifices self-denials, grace in repentance, virtue in trials, hope is part set-backs and divine assurance is part of our faithfulness.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.
Matatandaang una ng binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pag-aayuno, pagdarasal at pagtulong sa mga nangangailangan bilang tatlong mahalagang panuntunan na dapat na sundin ng bawat isa para sa makabuluhang paggunita ng panahon ng Kuwaresma.
Ang Kuwaresma ay ang apat na pung araw na paghahanda ng Simbahan sa pagggunita ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoon ni Hesus matapos ang kanyang pagpapakasakit sa Krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.