Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SSS pension hike, higit sa isyung pananalapi

SHARE THE TRUTH

 163 total views

Mga Kapanalig, madadagdagan na kaya ang buwanang pensyon ng mga miyembro ng SSS sa darating na taon?

Ayon sa Social Security System, kailangan lamang ng joint resolution mula sa ating mga kongresista at senador upang makapagpatupad ito ng pension hike simula sa 2017. Ilalakip ito sa isang SSS resolution na ipapadala naman sa pangulo upang pormal na pagtibayin. Sakaling matuloy, isang libong piso muna bawat buwan ang ipagkakaloob sa mga pensyonado sa Enero 2017, hanggang sa marating ang kabuuang dalawang libong pisong dagdag sa taóng 2019.

Bago sila magbakasyon, nagpasá noong nakaraang linggo ang ating mga senador ng isang resolusyong nananawagan para sa karagdagang isang libong piso sa SSS monthly pension. Ayon sa mga senador, aabot sa dalawang milyong retired pensioners ang makikinabang. Ang pinakamababa o minimum na halagang matatanggap ay 2,200 piso kada buwan.

Gayunman, may mga senador na nagpaalalang ang pagtataas ng benepisyong ipinagkakaloob sa mga kasapi ng SSS ay dapat na pagsasaalang-alang sa “buhay” ng pondo. Ayon sa isang senador, ang kasalukuyang pondo ng SSS ay maaaring umabot sa taong 2042 ngunit sa pagtataas ng pension, tatagal na lamang daw ito hanggang 2028. Maiiwasan lamang ito kung tataasan ang kontribusyon ng mga kasapi.

Bigo naman ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan na magpasa ng kanilang resolusyon. Maghihintay na nga talaga ang mga SSS members ng bagong taon.

Mga Kapanalig, layunin na kapanatagang panlipunan o social security na tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa at ng kanilang mga pamilya sa panahong hindi na nila kayang magtrabaho dahil sa edad, sakit, o kapansanan. Malaking bagay ang pensyong natatanggap ng mga kasapi ng programang gaya ng SSS, lalo na sa mga walang ibang mapagkukunan ng ikabubuhay sa sandaling ang pangunahing tagapagtaguyod ng kanilang pamilya ay wala nang kakayahang maghanapbuhay. Kaya naman, ang anumang pagbabago sa programang naghahatid ng serbisyong ito ay mahalagang tutukan, at makatutulong sa ating pagsusuri ang mga prinsipyo ng panlipunang katuruan ng Simbahan.

Una, itinataguyod ng social security ang dignidad ng tao. Sa pamamagitan ng mga benepisyong natatanggap ng mga miyembro, natutulungan silang makaagapay sa buhay kapag sila ay nagkasakit o tumanda na. Tungkulin ng pamahalaan at ng isang lipunang kumikilala sa dignidad ng tao na tiyaking ang mga manggagawang nag-ambag sa kaunlaran ng bayan ay nakapapamuhay nang may dignidad kahit na sila ay may karamdaman o may edad na.

Ikalawa, itinataguyod ng social security ang kabutihan ng lahat o ang prinsipyo ng “common good.” Sa pagtiyak na ang mga benepisyo ay maayos na natatanggap ng mga miyembro ng isang social security program at ang sistema ay hindi naaabuso ng mga nagpapatakbo nito, nagagawa nating pangalagaan ang kapakanan ng ating kapwa.

Ikatlo, nagiging daan ang social security upang kilingan ng lipunan ang mga mahihirap, ang mga manggagawang kumikita ng maliit.

At panghuli, pinagtitibay ng social security ang tinatawag nating “subsidiarity,” ibig sabihin, ang mga institusyon sa ating lipunan, gaya ng pamahalaan, ay natutulungan ang mga mas maliliit na institusyon, gaya ng mga pamilya, na magkaroon ng sapat at makataong pamumuhay.

Sa pamamagitan ng social security, ang mga manggagawa ay nabibigyan ng proteksyon laban sa mga bunga ng kawalan ng trabaho, karamdaman, katandaan, at kamatayan. Maliit kung tutuusin ang hinihinging dalawang libong dagdag sa buwanang pensyon ng mga kasapi ng SSS. Bagamat may epekto ito sa buhay ng pondo, hindi lamang ito isyung pananalapi at hindi rin dapat bahiran ng pulitika. Isa itong isyung morál. At tayo, mga Kapanalig, ay may nakatutulong isulong ang layunin ng social security, lalo para sa mga mahihirap, sa pamamagitan ng pag-unawa sa isyu ng SSS pension hike.  

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 6,311 total views

 6,311 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,426 total views

 16,426 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 26,003 total views

 26,003 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,992 total views

 45,992 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 37,096 total views

 37,096 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 6,312 total views

 6,312 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,427 total views

 16,427 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 26,004 total views

 26,004 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,993 total views

 45,993 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 37,097 total views

 37,097 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,181 total views

 40,181 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,750 total views

 43,750 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,206 total views

 56,206 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,273 total views

 67,273 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,592 total views

 73,592 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,204 total views

 78,204 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,765 total views

 79,765 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,326 total views

 45,326 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,987 total views

 67,987 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,563 total views

 73,563 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top