2,976 total views
Isasalba ng panginoon ang mga nagdurusa sa anumang hamon sa buhay. Ito ang mensahe ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Immaculate Conception Cathedral Rector Father Dennis Soriano sa pagbisita ng Pilgrim Relic ni Saint Therese of Child Jesus sa Cubao Cathedral.
Ipinagdarasal ni Bishop Ongtioco na ang pagbisita ng relic ay magamit ng mananampalataya upang maranasan ang walang hanggang ang pag-ibig ng Diyos lalu higit sa mga nagdurusa.
“The presence of relic of Saint Therese’s that sacred of holy reminders of continuous presence of God in our life he brings peace to us, and remind us that the blessing that God has for us and forgiveness of our sins, healing of our different wounds in our times, in different in these nations, the suffering of many people specially to the poor. Wounds created because of division, competitions, injustice, and materialism. Presence of the relics of St. Therese brings healing and peace to those who are troubles. The relics of St. Therese give us joy, joy is said to be deeper than happiness and pleasure, because the joy refill and experience and lingers on at the very core of our being,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Ongtioco.
Ikinagalak naman ni Fr.Soriano ang pagbisita ng Pilgrim relic. Ayon sa Pari, sa pamamagitan ni St.Therese, nawa ay huwag mawalan ang bawat isa ng pag-asa sa anumang pagsubok na kakaharapin sa buhay.
“Ito ay paanyaya ng pagiging responsable din natin we say yes tulad nung yes ni St.Therese sana yung mga kapanalig hindi mawalan ng pag-asa na huwag panghinaan ng loob dahil pinapaalala ni St.Therese na lagi tayong may maasahan sa Panginoon,” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Father Soriano.
Ang pagbisita ay bahagi ng 5th Philippine Visit of the Pilgrim Relics of St. Therese of the Child Jesus na may temang Lakbay Tayo, St. Therese! Kaalagad, Kaibigan, Ka-misyon ma nagsimula noong Enero at nakatakdang magtagal hanggang April 30.