346 total views
Inaanyayahan ng World Wildlife Fund-Philippines ang lahat na makiisa sa paggunita sa Earth Hour na may temang Speak Up for Nature.
Ayon kay Atty. Angela Ibay, National Director ng WWF-Philippines na sa iba’t ibang kaganapan sa ating kapaligiran ngayon dulot na rin ng pandemya, kinakailangang kumilos ng bawat isa upang muling mabuo ang lipunang mag-aakay tungo sa ekonomiyang uunahin ang kapakanan ng kalikasan.
“Given the state of the environment today, as well as our country’s reliance on natural resources and the climate we have today, we must work to restructure our society towards becoming a green economy that puts nature first,” pahayag ni Atty. Ibay sa ginanap na Media Launching ng Earth Hour 2021.
Samantala, hinikayat naman ni WWF-Philippines Executive Director Katherine Custodio na ipahayag at ipagtanggol ang kalikasan upang makita at marinig ng iba’t ibang pinuno ng mga bansa ang nais ipaglaban ng mamamayan para sa karapatan ng ating nag-iisang tahanan.
“2021 is a critical year because of key United Nations conferences where world leaders will make pledges for nature, aiming to reverse nature loss by 2030. What that means for us is an opportunity to use the moment to speak up for nature, and to show our leaders what we care about so that they go into these conferences with a clear message and mandate from us citizens,” ayon kay Custodio.
Ipagdiriwang sa Marso 27 ang ika-14 na taon ng Earth Hour sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at mundo kung saan sa ganap na alas-8:30 ng gabi ay gagawin ang pagpapatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras upang bigyang pagkakataong makapagpahinga ang kalikasan.
Taong 2007 nang unang isagawa ang programa sa Sydney, Australia, at 2008 nang ilunsad naman ito sa Pilipinas.