28,528 total views
Tugon para sa mga indibidwal na nagnanais magtayo ng negosyo ang inilunsad na Slingshot ASEAN Startup and Innovation Summit ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay DTI Undersecretary for Trade and Investments Promotion Group Nora Terrado, nagsisilbing instrumento ang Slingshot ASEAN upang mas palakasin ang startup business sa bansa at gawing mas moderno ang mga negosyo sa tulong ng teknolohiya.
“Ang mga negosyo natin dapat sa Pilipinas ay maging mas modern at innovative kasi napakahogpit ng kompetisyon sa mundo. Ang mga consumers ngayon, very complex ang mga demands nila so kailangan may innovative, madevelop nila yung pagiging relevant nila at maging makabuluhan ang kanilang mga produkto at magpalit sila ng mabilis kung iyon ay nagiging luma na,” pahayag ni Terrada.
Katuwang ang mga nangungunang investors at korporasyon mula sa sampung member state ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), target ng inilunsad na programa na tugunan ang mga pangunahing isyung kinakaharap ng bansa partikular na sa larangan enerhiya, usaping pangkalikasan at persons with disabilities.
Kaugnay nito ay umaasa si Terrada na makapagtatayo ng isang korporasyon ang Pilipinas sa hinaharap na kayang makipagsabayan sa international market at makatutulong sa paglutas ng mga suliraning panlipunan.
Sa pamamagitan ng magkakasunod na panel discussion, learning hubs at panayam sa mga business experts mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nabigyan ng kaalaman at nahasa ang potensyal ng mga future entrepreneurs na nagnanais pasukin ang mundo ng pagnenegosyo.
Kung ikukumpara sa mga ordinaryong negosyo, sinasabing kayang paglingkuran ng isang startup business ang lima hanggang limang milyong mamimili nang mabilisan at walang ginagamit na malaking capital sa pamamagitan ng teknolohiya.
Patuloy naman ang hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco
sa bawat bansa na lumikha ng mga proyekto na mag-aangat sa kalidad ng buhay ng bawat mamamayan lalo na ang mga higit na nangangailangan.