468 total views
Napapanahon ng palitan ng pamahalaan ang patakaran at polisiya hinggil sa war on drug kasunod ng pagkamatay ng isang menor de edad na si Kian Loyd Delos Santos.
Ayon kay Nardy Sabino-tagapagsalita ng Promotion of Church People’s Response (PCPR), hindi na dapat ang Philippine National Police (PNP) ang pangunahing ahensiya na tututok sa problema kundi ang Department of Health (DoH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Labor and Employment (DoLE).
“Baguhin ang state policy towards the eradication of illegal drug trade. Dapat kasi makita ito ng pamahalaan bilang sakit,” ayon kay Sabino.
Giit ni Sabino kung tunay na naawa ang Pangulong Duterte at hindi sang-ayon sa pagkakapaslang kay Delos Santos ay dapat na nitong baguhin ang mga patakaran at itigil na ang mga pagpaslang na ang panguhing target ay mga mahihirap at walang kakayanang ipaglaban ang karapatan.
“Ang problema kasi habang nakaburol si Kian, may napapapatay din. Habang nakaburol si Kian, nalalabag pa rin ang karapatang pantao. Yung sa Payatas nagbabahay bahay dina-drug test ang mga tao. Hindi yun ang kailangan ng mga tao, ang kailangan ng mga tao ay trabaho, serbisyo at yung paggalang sa kanilang karapatan,” ayon kay Sabino.
Base sa pinakahuling ulat, higit na sa 12 libo katao ang napapaslang na may kinalaman sa illegal na droga at malaking bahagi ng bilang na ito ay pawang mga mahihirap.
Sa inilabas na pahayag ng Redemptorist Missionaries of the Philippines, kinondena nito ang mga pagpaslang na tanging mahihirap na pamilya ang biktima.
Binigyan diin ng RMP na sa halip patayin ay dapat bigyang tulong ang mga lulong sa masamang bisyo na makapagpanibago at magkaroon ng kanilang pangkabuhayan upang maiwaksi ang pagbebenta ng illegal drugs.
Una na ring binatikos ng Duterte Administration ang Simbahang Katolika sa pamumuna sa mga pagpaslang gayung walang ginagawa para tumulong sa talamak na problema ng bansa sa drug addiction.
Wala bang ginagawa ang Simbahan?
Sinupalpal ng mga lider ng Simbahang Katolika ang pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nitong walang ginagawa ang Simbahan sa malaking programa ng Pilipinas sa iligal na droga.
GALILEE Homes, Ang Galilee Homes ay isang drug rehabilitation facility sa ilalim ng Diocese of Malolos na itinatag noong 1987.
Ang Galilee na may lawak na 3.5 hectares ay matatagpuan sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan na hindi tulad ng ibang rehabilitation centers, ito ay walang mataas na bakod, gate at guwardiya na nagbabantay.
Nasa loob ng tahanan si Kristo
“Napakasuwerte ko po, kasi hindi ko nakasalubong si kamatayan sa labas, kundi nakasalubong ko si Kristo sa loob ng tahanan (Galilee Homes Rehabilitation).” Si Lougene, 37 anyos – dating pusher at drug dependent simula edad 14 na kasalukuyang nananahan sa Galilee Homes bilang senior volunteer sa loob ng drug rehabilitation center sa ilalim ng Diocese of Malolos.
Ang Galilee Homes ay kasalukuyang may 36 na mga lalaking pasyente na nasa pagitan ng edad na 18-54 taong gulang para sumailalim sa 9 month program ng rehabilitation dahil sa pagkalulong sa illegal na droga.
Sa kabuuan simula ng itatag ang tahanan, higit na sa 600 na pasyente ang nagtapos at nakabalik na sa kanilang karaniwang buhay.
Ayon kay Lougene, nagdesisyon siyang pumasok sa rehabilitation noong July 17, 2017 para na rin bigyan ng kapayapaan ang kaniyang pamilya dahil sa pagkalulong sa bawal na gamot.
“Nakakapagod po, its about time na bigyan natin ng peace of mind ang ating mga mahal sa buhay. Wala pong mawawala sa atin kung isusuko natin ang sarili natin sa Diyos, lagi po nating tatandaan na makakapagbago lamang ang tao habang siya ay nabubuhay. Kung maari nga lang po na yung mga napatay ay nakapasok sa Galilee, sana hanggang ngayon ay buhay pa sila. Sana nakita nila ang pagbabago. Sa mga hindi pa namumulat, na iniisip na itinapon na sila ng lipunan, hindi po totoo yan. May Galilee po na naghihintay, may Diyos na naghihintay sa inyo, Tingala lang po sa langit, hindi pa po huli ang lahat,” ayon kay Lougene.
Ang Tahanan (Galilee) ay libre para sa mga nais na magbago.
Bukas din ang center sa mga nais na magbigay ng donasyon sa Galilee Homes, DRT Bulacan o maaring ihulog sa kanilang Land Bank account Baliwag Branch #012 -1112-65.
Nauna rito, nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa sambayanang Pilipino partikular sa pamahalaan na huwag sumuko sa mga naliligaw ng landas lalo na sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamut.
See: Huwag sumuko sa mga naligaw ng landas sa droga -Cardinal Tagle
Inilunsad din ng Archdiocese of Manila ang “Huwag kang Magnakaw ng Buhay” campaign.
See: Huwag Kang Magnakaw Ng Buhay Movement, ilulunsad ng Archdiocese of Manila
SANLAKBAY program, may 12 Parokya ng tutulong sa drug surrenderers
Simbahan, bukas ang pintuan sa drug dependents-Cardinal Tagle
Unang naglunsad ng community based-rehabilitation program para sa mga drug surrenderers ang Diocese
of Novaliches sa pangunguna ni Father Lucia Feloni.
Read: Diocese of Novaliches, may programa para sa drug surrenderees
Sa pakikipagtulungan sa local na pamahalaan, itinatag ng Archdiocese of Cebu ang Narcotics Anynomous Fellowship para tulungan na makapagbagong buhay ang libu-libong drug surrenderers.
Read: Arch. of Cebu, may programa sa drug surrenderees
Inilunsad din ng Diocese of San Pablo Laguna ang 12 Steps Rehab program para sa mga lulong sa droga na nagnanais magbagong buhay.
Read: 12 steps rehab program, inirekomenda ng Diocese of San Pablo.
Nagsisilbi sa kasalukuyan na pag-asa ng mga lulong sa droga ang itinatatag ng Diocese of Legazpi na HARONG PAGLAOM (House of Hope), isang community-based rehabilitation program na nagbibigay ng recovery coaching, spiritual guidance at life skills training sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamut katuwang ang local government units partikular ang mga barangay.
Read: Diocese of Legazpi, umaapela kay Pangulong Duterte na ipatigil ang EJK
Bukas din para sa mga drug surrenderer ang “Kakadua o Kasama program” ng Diocese of Bangued Abra.
Read: Kasama drug rehab program, inilunsad ng Diocese of Bangued
Kaisa naman ng Department of Interior and Local Government ang Archdiocese of Jaro sa programang MASA-MASID o Mamamayan Ayaw sa Anomalya-Mamamayan Ayaw sa Iligal na Droga.
Read: Jaro Archdiocese, inindorso ang MASA-MASID at UBAS
Patuloy din ang Military Ordinariate sa pagpapaigting sa values at spiritual formation ng mga kawani ng AFP at PNP.
Patatagin ang Social Communications Ministry ng Simbahan
Naunang inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nakahanda siyang pangunahan ang isang dayalogo sa pagitan ng gobyerno, otoridad, local na pamahalaan, non-governmental organizations, iba’t-ibang sector ng lipunan, mga biktima ng extra-judicial killings at mga taong nasasangkot sa kalakalan ng iligal na droga upang matigil na ang kaliwa’t-kanang patayan.
Read: Reflect, Pray and Act