396 total views
Nag-alay ng panalangin ang Stella Maris – Philippines para sa kaligtasan ng mga marino sa kanilang paglalayag sa karagatan.
Sa pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Bishop-promoter ng Apostleship of the Sea/Stella Maris – Philippines kinilala nito ang dedikasyon ng mga seafarers sa paghahanapbuhay sa kabila ng matinding panganib lalo na sa Gulf of Guinea na maraming pirata.
“We, at Stella Maris-Philippines, pray and hope for the greater protection of that area from sea pirates,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa pagdukot ng mga pirata sa crew member ng isang fishing vessel malapit sa Benin sa Gulf of Guinea nitong Hunyo 1.
Ayon kay Bishop Santos, lubhang mapanganib ang ruta ng mga barko sa Gulf of Guinea na may biyaheng Senegal patungong Angola sapagkat maraming insidente ng pagdukot sa nasabing lugar.
Umaasa ang opisyal ng Stella Maris Philippines na paigtingin ng mga awtoridad ang imbestigasyon at panagutin sa batas ang mga responsable sa karahasan.
“We also pray that the concerned civil authorities and international communities will continue to work hand in hand for the promotion of rule of law, so that those pirates be arrested, tried and prosecuted,” ani Bishop Santos.
Sa ulat ng Ghanian police limang kawani ng fishing vessel ang dinukot na kinabibilangan ng apat na Koreano at isang Filipino.
Puspusan ngayon ang isinasagawang rescue operations upang iligtas sa panganib ang dinukot na mga crew at makauwi sa kani-kanilang pamilya.
Nag-alay na rin ng panalangin at Banal na Misa ang Stella Maris – Philippines para sa kaligtasan ng mga biktima.
Kinilala ni Bishop Santos ang dedikasyon ng mga seafarers sa kabila ng hirap ng kanilang trabaho at hiniling ang paggabay ng Mahal na Birhen para sa kaligtasan ng kanilang paglalayag.
“We consistently recognize their dedication and determination for the successful completion of their sea voyage. We pray for them and remember them in our Holy Masses, invoking our Blessed Mother Mary whom we lovingly have as our Star of the Seas, to take our seafarers under her maternal care and embrace, keeping them safe, strong and sound in mind and body,” ani ng obispo.
Sa tala ng International Maritime Bureau, mahigit sa 95 porsyentong global maritime kidnappings noong 2020 ang nangyari sa Gulf of Guinea o 130 sa kabuuang 135 kaso ng pagdukot.