233 total views
Manila,Philippines– Ito ang paanyaya ng mga lider ng Simbahang Katolika sa sambayanang Filipino sa taunang selebrasyon ng “Earth Hour” sa ika-25 ng Marso 2017 mula alas-otso y medya hanggang alas-nueve y medya ng gabi.
Ipinaalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na bilang bahagi ng pagiging mabuting alagad ng Panginoon ay tungkulin nating lahat ang wastong paggamit at pangangalaga sa kalikasan na biyaya ng Diyos kasama ang ating buhay.
“Minamahal naming mga kapanalig at lahat ng mananampalataya sa Panginoong Hesukristo. May mahalaga pong paanyaya sa ating lahat, bahagi ng ating pagiging mabuting alagad ng Panginoon ay ang wastong paggamit at pangangalaga sa ating kalikasan na biyaya ng Diyos para sa atin kasama ng ating buhay. Sabi nga po sa sinulat ni Pope Francis, Laudato Si, Pagpupuri sayo Panginoon dahil binigyan mo kami ng napakagandang tahanan, ang aming mundo, ang kalikasan. May paanyaya po kami sa inyo, taunang ginaganap ang Earth Day, sa taon pong ito magaganap ito sa march 25, 2017, mula alas otso y medya ng gabi hanggang alas nuebe y medya ng gabi”.paanyaya ni Cardinal Tagle
Hinimok ng Kardinal ang lahat na makiisa sa Earth Hour sa pamamagitan ng pagdarasal ng rosaryo at pagpatay ng ilaw sa loob ng isang oras para makatipid at pagpahingain ang mundo.
“Bukod po sa pagpapatay ng ilaw, tayo po ay inaanyayahan na magdala ng rosaryo kasama po ang Radio Veritas. Kaya po sa loob ng isang oras na yon, makatipid, pagpahingahin ang mundo sa pamamagitan ng pagpatay ng lahat ng kuryente at manalangin, umasa tayo sa Panginoon. Maraming salamat po sa inyong lahat”.panawagan ni Cardinal Tagle
Nanawagan naman si Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma sa lahat ng mananampalataya na sama-samang pigilan ang nagaganap na “ecocide” o pagpatay sa kalikasan.
“We are all against the suicide killing of self or against homicide the killing of other people or the genocide, the killing of ethnic groups, all the more now we should be mindful that there can also be a crime such us ecocide the killing of the environment and this will have more harmful effects in a sense that it pertains to our sources of water, of clean air, of livelihood, versus land erosion, versus drought, versus earthquakes, and typhoons and this is part of our responsibility to make sure that we can reverse already the ill effects of climate change that’s taking place.”pahayag ni Archbishop Ledesma sa Radio Veritas
Inihayag ng Arsobispo na ang Earth Hour ay paalala sa lahat ng tao na ang mundo ay regalo ng panginoon na dapat nating pangalagaan bilang mabuting katiwala.
“Earth Hour is a very good way to remember that we are all stewards of the environment and that from the message of the Holy Father Pope Francis about Laudato Si, we are all caretakers and we are [here] to care for the Earth. The nature, is God’s creation, it is a gift from God it is given to us freely for our use in order to make our life also sustainable and productive. We are all ask to be stewards of the gift of God, it is part of our responsibility to make sure that the environment is taken care of, and sustainable for future generation.”pagninilay ni Archbishop Ledesma
Hinihikayat din ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na pangalagaan, i-presserve at i-conserve ang mundo na ating tahanan at protektahan laban sa illegal mining, logging at sobra-sobrang coal at carbon emission.
“Earth is our home, our only home. Earth is the only one we have, losing it, we are lost and we are the one who will suffer. As our home let us take care, preserve and conserve our home, Earth
Earth is our mother. We call her Mother Earth, as mother, let us respect her, not destroy her with irresponsible mining, logging and excessive coal/carbon emission.Let us make our Earth green, growing and glowing with life.”mensahe ni Bishop Santos
Umaapela din si Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez sa mga Pilipino na makiisa sa Earth Hour movement at labanan ang climate change.
“People suffer specially the poor, people cause global warming, climate change, burning of fossil fuels, deforestation, mining and etc. People must solve global warming, climate change. We are responsible to God who commands us to cultivate and take care of the garden our planet Earth and we are responsible to the present and future generation.Lets us join the movement, the Earth Hour no unnecessary lights from 8:30pm to 9:30 pm on 25 March 2017. Let us pray with Pope Francis, God of love show us our place in the world as channel of your love. Enlighten those who posses power and money that they may avoid the sin of indifference. That they may love the common good, advance the weak and care for this world in which we live, Laudato Si, Pope Francis.”mensahe ni Bishop Gutierrez.
Bilang pakikiisa sa Earth Hour, live na mapapakinggan sa Radio Veritas ang “Banal na Oras para sa Kalikasan” mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.
Ang Banal na Oras para sa Kalikasan ay isang oras na pagrorosaryo.
Layunin ng Earth Hour 2017 na itaguyod ang pagtitipid ng kuryente at ng iba pang resources ng mundo tulad ng tubig.
Bukod dito, nais din ipalaganap ng Earth Hour 2017 ang paggamit ng renewable energy sources upang mapalitan na ang mga coal fired power plants na nagbubuga ng nakalalasong usok sa hangin.
Ngayong taon ang ika-10 pagdiriwang ng Earth Hour at inaasahang mahigit 7,000 organisasyon kasama na ang Simbahang katolika ang makikiisa dito.
Sa tulong ng taunang pagsasagawa ng Earth Hour ay panandaliang nakapagpapahinga ang daigdig kung saan taun taon ay umaabot sa 125 meggawatts ang natitipid na elektrisidad sa loob lamang ng isang oras.(Yana Villajos)