196 total views
Panawagan para mahinto na ang patayan, ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan at pagtatapos ng batas militar sa Mindanao ang misyon ni Biking Priest Fr. Amado Picardal sa isasagawang ‘Bike for Peace’ mula Manila hanggang sa Mindanao.
Ayon kay Fr. Picardal sa loob ng 15-araw ay iikutin niya ang Manila hanggang Mindanao na may layong 1,500 kilometro at magdiriwang ng misa sa bawat simbahan na kaniyang tutuluyan.
“I’ll be preaching about message of life and peace,” ayon kay Fr. Picardal.
Ang 64-taong gulang na Redemptories priest ay tubong Iligan City at kasalukuyang executive director ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Committee on Basic Eccelesial Community (CBCP-ECBEC).
Ang send off mass ay isasagawa sa Miyerkules (March 14), ika-8 ng umaga sa Baclaran Church.
Taong 2008 nang magsimula ng kaniyang biking mission si Fr. Picardal na nasundan noong 2014.
Pangunahing panawagan noon ni Fr. Picardal ang imulat ang publiko hinggil sa ‘climate change’ na nagdudulot ng labis na pinsala sa bansa dahil sa mapipinsalang bagyo kabilang na ang bagyong Sendong (2011), Pablo (2012), Yolanda at Ruby (2013).
Inaanyayahan din ng pari ang publiko na naniniwala sa kanyang adbokasiya na makiisa sa kanyang hangarin at iniimbitahan na sumabay sa kaniyang Bike for Peace.
“I’d like to appeal to people na suportahan ang aking panawagan na ‘to end extra judicial killings and let’s focus on the healing and to resume the peace talks and end martial law in Mindanao,” ayon kay Fr. Picardal.
Ilang pari rin ang inaasahang makikisabay sa pagbibisikleta ni Fr. Picardal kasama na dito ang tinaguriang ‘running priest’ na si Fr. Robert Reyes.
PNP power to subpoena
Nangangamba rin ang pari sa nilagdaang batas ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng kapangyarihan sa Philippine National Police na pag-iisyu ng subpoena.
Ayon sa pari na maabuso ang batas.
“I haven’t studied it carefully. Pero as far as I know kasi usually mga judges lang ang may subpoena power. You know the thinking of many it can be abused. As if we are becoming a police state. So that is my concern,” ayon pa kay Fr. Picardal.