263 total views
April 21, 2020, 12:45PM
Pinaigting ng Basilica Minore Del Santo Niño De Cebu ang pagtulong sa mamamayan ng lalawigan na apektado ng community quarantine.
Ayon kay Fr. Aladdin Luzon, OSA, ang Director ng Santo Nino de Cebu Augustinian Social Development Foundation, Inc, nakipagtulungan ang mga Agustinong pari sa mga institusyon upang mabigyang kalinga ang mga walang tahanan bilang tugon sa panawagang stay at home policy.
“To all those have reach out to us as partners and donors thank you for giving us this opportunity as a channel or a hub for solidarity,” pahayag ni Fr. Luzon sa Radio Veritas.
Sa pangunguna ng Agustinian Relief Services, tinulungan nito ang mga street dwellers na walang masilungan partikular sa mga barangay na nasa paligid ng basilica.
Mahigit sa isandaan ang bilang ng mga walang tahanan ang kinalinga sa San Roque gymnasium kung saan ang Basilica ang nangangasiwa sa pagpapakain, at pagbibigay ng pangunahing pangangailangan habang nakataas pa ang enhanced community quarantine (ECQ).
Magugunitang halos 200 kaso ng covid 19 sa central visayas, 179 dito ay mula sa lalawigan partikular sa independent city of Cebu.
Labis ang pasasalamat ng mga pari sa mga grupo at institusyon na tumugon sa pangangailangan ng kapwa tulad ng Ramon Aboitiz Foundation, Inc (RAFI) na nagbibigay ng pagkain sa mga kinakalingang indibidwal.
Tiniyak ni Fr. Luzon ang patuloy na suporta sa mga kinanlong na mga residente at maging sa iba pang mamamayan ng lalawigan na apektado ng krisis.
Ayon sa pari na hindi maisasakatuparan ang paglingap sa mga nangangailangan kung hindi nakiisa mga grupo na katuwang ng simbahang katolika.
“Our relief operations will never be possible without your assistance, we would like to tell you that through this, the Church is journeying the people of God especially those who are suffering because of this pandemic,” giit ni Fr. Luzon.