226 total views
Hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kabataan na maging bahagi sa pagpapalaganap ng pananampalataya.
Ito ang paanyaya ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga kabataan na nais maglingkod sa simbahan.
Ang mensahe ni Bishop Mallari ay kasabay na rin ng pagtatapos ng Synod of Bishops on Youth at ang pagsisimula naman ng pagdiriwang ng simbahan katolika sa Pilipinas ng ‘Year of the Youth’.
“Marami silang magagawa. They have so much energy na nasa kanila sana habang bata sila they got involve and do what they can for the church,” ayon kay Bishop Mallari.
Ayon sa obispo, hindi na dapat pang hintayin ng mga kabataan ang kanilang pagtanda bago lumahok sa mga gawain at parokya ng simbahan.
Ito ay sa pamamagitan ng social communications, street evangelization bukod sa pagiging miyembro ng Knights of the Altar at church choir.
“Sa social communications, evangelizing through media marami silang puwede nilang magawa. ‘Yung isa sa mga gusto sana nating i-introduce sa mga kabataan through YouCat Philippines ay yung street evangelization,” ayon pa kay Bishop Mallari.
Dagdag pa ng Obispo; “Yung mga kabataan talaga they go out yung ipakita nila yung pwede nilang magawa yung iba pwede silang tumulong sa pagpaint sa mga walls puwede silang mag paint ng mga magagandang messages sa mga walls instead of graffiti lang. Kundi yung mga messages yung mga good messages challenging people to change, for renewal.”
Read: Cardinal Tagle sa Synod on Youth: ‘The Youth will unify us!
Sa mensahe ni Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagtatapos ng synod sa Vatican, hinikayat ang bawat isa na maging kalakbay ng kabataan sa kanilang karanasan, kabiguan at maging sa kanilang tagumpay.