168 total views
Mariing kinokondena ng Diocese of Marbel ang nakaambang pagtatayo ng isang coal fired power plant sa Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
Sa liham ng mga pari ng Diyosesis kay Hilario De Pedro III, Chairman ng Committee on Environment ng Sangguniang Panlalawigan ng Koronadal City, South Cotabato, nakasaad na ang strip mining na isang paraan ng pagmiminang gagawin ng coal power plant ay labag sa Environment Code 2010 ng lalawigan.
Iginiit ng mga pari ng Diocese of Marbel na ang lugar na dapat na pagtatayuan ng Coal Plant ay sakop ng Kabulnan Watershed Forest Reserve na isang protected area na magdudulot ng malaking perwisyo sa malinis na pinagkukunan ng tubig ng mamamayan.
Letter
Clergy of the Diocese of Marbel
“We, the Clergy of the Diocese of Marbel, under the leadership of Most Rev. Dinualdo D.
Gutierrez, D.D., Bishop of Marbel maintain our position opposing the proposed coal mining in
Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
We maintain that strip mining as the proposed method of extracting coal violates the
Environment Code 2010 of the Province that bans open pit mining.
We maintain that the proposed area for coal mining is still within the Kabulnan Watershed Forest Reserve established under Proclamation No. 241 by President Joseph Estrada in 2000.
While it
can be technically argued that the Coal Operating Contract issued by Department of Energy (DOE) in 1999 to DAMI and SEPC prior to the Watershed Reserve Proclamation exempts the
COC applied area, it cannot be denied that whatever damage to be caused to coal mining will
prejudice the spirit of Watershed Reservation Proclamation.” liham ng mga pari ng Diocese of Marbel.
Samantala, muli ding inihayag ng Diyosesis ang kanilang mariing pagtutol sa nakaambang pagrerebisa o tuluyang pagpapawalang bisa ng Department of Environment and Natural resources Administrative Order 2017-10 na pagbabawal sa open pit bilang paraan ng pagmimina sa buong Pilipinas.
Ayon sa liham ng mga pari at Obispo ng marbel, ang batas na ito ang patuloy na magpoprotekta sa kanilang lalawigan at sa buong bansa laban sa mga man-made calamities.
Read: Simbahan, tutol sa open pit mining
Natukoy na ang Ned, Lake Sebu ay may 27 milyong metriko tonelada na coal potensyal, dahilan upang magkainteres dito ang mga kumpanya ng Coal Plant.
Una namang inihayag sa Laudato Si ni Pope Francis na kinakailangang mas palaganapin ang paggamit sa renewable energy sa halip na umasa sa enerhiyang malilikha ng mga coal fired power plant.