2,440 total views
Tiniyak ng pamunuan ng Pontificio Collegio Filippino ang patuloy na paglilingkod sa buong simbahan.
Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston bukod sa mga paring Pilipinong nag-aaral sa Roma nagsisilbing kanlungan din ang institusyon ng mga pari mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
“The CBCP serves the Church in other countries by welcoming their student priests at the Collegio. African and Asian countries in general have no collegios of their own.” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.
Kamakailan ay bumisita sa PCF si Malaysian Cardinal Sabastian Francis bago dumalo sa Synod of Bishops sa Vatican kasama ang delegasyon ng Pilipinas.
Ibinahagi ni Fr. Gaston na 1981 hanggang 1983 nang manirahan si Cardinal Francis sa PCF nang mag-aral ng Licentiate in Dogmatic Theology sa Angelicum University sa Roma.
Batay sa kasaysayan ng 62 taong paglilingkod ng PCF may mga paring nanirahan sa institusyon mula sa mga bansang Indonesia, Myanmar, Japan, Korea, Vietnam, China, Pakistan, India, Sri Lanka, Angola, Nigeria, Tanzania, Congo, Kenya, Ruanda, Cameroon, Malawi, Senegal, Mozambique, Uganda, Madagascar, Tanzania, Burkina Faso, Venezuela, United States of America, Columbia, Trinidad, Tobago, Haiti, Samoa, New Zealand at Italy.
Binigyang diin ni Fr. Gaston na isinasabuhay ng PCF ang diwa ng ‘Gifted to Give’ kung saan ibinabahagi sa mundo ang biyaya ng pananampalatayang tinanggap.
“This rich history of service to the Universal Church reflects in a concrete way the theme of our celebration of 500 years of Christianity in the Philippines, ‘Gifted to Give’.” ani Fr. Gaston.
Pinasalamatan ng pari ang lahat ng patuloy nagbibigay ng kanilang suporta sa PCF dahil ito rin ay pakikiisa sa misyon ng simbahan sa buong daigdig.
Kasalukukyang nakatalaga bilang chairperson ng Commission on Pontificio Collegio Filippino ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Antipolo Bishop Ruperto Santos.
Itinatag ang PCF noong 1961 sa pamamagitan ni Pope John XXIII bilang tahanan ng mga Pilipinong paring nag-aaral sa Roma kung saan ngayong taon may 17 mga pari ang dumating mula sa iba’t ibang diyosesis ng Pilipinas.
Sa kasalukuyang datos may 50 Pilipinong pari ang naninirahan sa institusyon habang pito naman ang mga dayuhan.
Ilan sa mga paring nagtapos ng kanilang advance studies sa Roma ang naglilingkod sa iba’t ibang simbahan, mission territories sa buong mundo kabilang na sa Vatican City