1,312 total views
Pinaalalahanan ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga kabataan na mag-aral ng mabuti.
“As we are about open the school year, let me as CBCP -ECMI chair remind our youth especially the sons and daughters of our OFWs of these three imperatives. First, study seriously. As your parents work hard to send you to school, study harder,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Lalu na ayon sa obispo ang mga anak ng Overseas Filipino Workers (OFW) bilang sukli sa pagsusumikap ng kanilang mga magulang sa ibayong dagat para sa kanilang kinabukasan.
“Study to be successful as they dream it for you. Make them happy and bring honors to them,” ani pa ni Bishop Santos.
Ayon kay Bishop Santos, kinakailangang gawing pangunahin ng mga kabataan ang pag-aaral at iwasan ang pagliban sa mga klase upang makamit ang tagumpay.
Sinabi pa ng pinuno ng CBCP – ECMI ugaliin ang pakikinig sa mga aral na ibinabahagi ng mga guro at magulang sapagkat ito ay nagsisilbing gabay sa pakikipamuhay at pagsusumikap sa pag-aaral.
“Second, always be safe; choose your friends and always listen to your teachers and obey your parents that way you will surely safe and sound in life,” saad pa ni Bishop Santos.
Pangatlo, pinaalalahan ni Bishop Santos ang mga kabataan na iwasan ang pagwawaldas ng salapi at gamitin ito sa tamang pamamaraan upang hindi nasasayang ang pagsusumikap at paghihirap ng mga magulang sa ibang bansa.
At ikatlo ayon pa sa obispo, “Learn to save, be simple in your needs. Buy what is truly needed. Remember your parents work hard to earn, so don’t waste what they send you.”
Iginiit ni Bishop Santos na kung masusunod ng mga kabataan ang 3S (Study seriously, be Safe, be Simple/Save) ay tiyak na walang pagsisihan ang bawat kabataan at tunay na makamtan ang magandang kinabukasan na labis ikatutuwa ng mga magulang lalo na ng mga OFW.
Sa taya ng Department of Education higit 27 milyon ang mga kabataan ang inaasahang papasok sa ika-3 ng Hunyo sa elementarya at sekondarya para sa school year 2019-2020.
Sinasaad sa ensiklikal ni Pope Paul VI na ‘Declaration on Christian Education’ binigyan diin na ang lahat ng mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya, pananaw at lahi ay may karapatang sa sapat na edukasyon hindi lamang para sa kaalaman kundi ang paghubog sa pagkatao.