566 total views
Tiniyak ng Surrender to God (SUGOD) ang pagpapaigting sa faith-based drug rehabilitation program sa pagtutulungan ng Duros Group at simbahan.
Ayon kay Cebu Archdiocesan Commission on the Laity Chairperson at Duros Director Fe Barino pangunahing layunin ng SUGOD program ang matulungan ang mga drug dependents na mapanibago at makapagbalik loob sa Panginoon.
Aniya, bilang pagpapalawak sa adbokasiya para sa mga biktima ng iligal na droga ay nakipag-ugnayan din ang SUGOD program sa iba pang drug rehabilitation centers sa Cebu.
“Ang SUGOD program ay intensive faith-based wala ito sa ibang rehab centers, so nakita ko God is telling us to collaborate with other helping communities so ang SUGOD ay catalyst sa mga facilities or institutions na tumutulong sa mga recovering addicts,” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.
Ang mensahe ni Barino ay kaugnay sa paggunita sa ikaanim na aniberaryo ng SUGOD program sa August 14 kasabay ng kapistahan ni St. Maximilian Kolbe na tinaguriang patron ng mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Magtitipon ang mga indibidwal na sumailalim sa programa ng SUGOD at iba pang drug rehab centers sa Cebu sa IEC Pavilion para sa ipagdiwang ang tagumpay ng bawat indibidwal sa temang ‘Breakthrough’.
Paliwanag ni Barino na ang pagdiriwang ay pagkilala sa kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad upang makamit ng mga drug dependents ang tunay na pagpapanibago sa pamamagitan ng paglunsad ng mga programang pampisikal, sikolohikal at higit sa lahat espiritwal.
Naniniwala ang opisyal na ang pagpapanibago ng isang drug dependent ay maituturing na malaking tagumpay sa programa sapagkat malaking tulong ito sa kanilang pamilya at sa buong komunidad.
“Masaya na kami na kahit may isang tao lang na gumaling sa pagkalulong sa droga, one soul is a victory for us, for our programs,” ani Barino.
Mula nang ilunsad ang SUGOD noong 2016 humigit kumulang sa tatlong libong indibidwal na drug dependents ang natulungang magbago, makabalik sa pamilya, at mamuhay ng maayos sa mga komunidad na kinabibilangan.
Apela ni Barino sa mamamayan na huwag husgahan at huwag tuligsain ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot sapagkat biktima rin ito at nagdusa sa sakit ng adiksyon.
“It is our prayer that people will not lose hope; that families who are addicted to drugs and even the communities surrounding them will have hope because there are people who are working to help these people. The Surrender to God (SUGOD) and other recovering communities’ rehabilitation centers are working together to help little by little, even just one soul to go back to God. The entire family and the community will be helped as well, so there is hope for everyone,” saad ni Barino.
Makibahagi sa pagtitipon ang ilang eksperto tulad nina Dr. David Baron at Dr. Jasmin Peralta mula sa Department of Health at Judge Mac Hadjirasul mula sa Department of Justice na tatalakay naman sa mga batas.
Inaasahang pangungunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa alas kuwatro ng hapon kasama ang ilang pari ng arkidiyosesis.
Hiling ni Barino sa mamamayan na ipanalangin ang mga naglingkod sa iba’t ibang rehabilitation centers.
“Please pray for the success of the people working behind the rehabilitation of these people (drug dependents),” giit ni Barino.