Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

SHARE THE TRUTH

 138,232 total views

Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang mga taga-Negros Occidental ng seguridad sa enerhiya gamit ang mas malinis na renewable sources. 

Batay sa datos, kayang lumikha ng surplus renewable energy ang Negros Occidental pero patuloy itong umaasa sa kuryenteng dumadaloy mula sa Panay at Cebu. Sa pamamagitan ng programa, inaasahang magiging “beacon of clean energy” ang probinsya. Uumpisahan ito sa pagbuo ng Energy Development Roadmap na maglalatag ng mga hakbang para labanan ang krisis sa klima sa tulong ng paglipat sa renewable sources. Nanawagan ang pamahalaang panlalawigan sa iba’t ibang sektor na lumahok sa mga isasagawang konsultasyon upang mabuo ang roadmap at makamit ang seguridad sa enerhiya sa 2030. 

Nanawagan din ang tatlong obispo sa mga mananampalatayang suportahan ang programa. Nangako rin silang susuportahan ang mga gawain ng pamahalaang panlalawigan at ang programa sa pamamagitan ng pagtulong sa pagpapataas ng kamalayan ng mga mananampalataya tungkol sa kahalagahan ng renewable energy. Maaari din daw nilang i-mobilize ang kanilang mga diyosesis na gumawa ng mga inisyatibo kaugnay ng mga isyung pangkalikasan. Itataguyod din nila ang mga etikal na konsidersasyon sa pagbubuo ng mga patakaran sa lalawigan patungkol sa enerhiya. 

Paliwanag ng mga obispo, mahalaga ang pakikilahok ng Simbahan sa programang SecuRE Negros dahil sang-ayon ito sa mga panlipunang turo ng Simbahan. Anila, kinikilala ng Simbahan ang maagap na pagtugon sa malubhang kalagayan ng ating kalikasan na higit na nakaaapekto sa mahihirap. 

Sa katunayan, batay sa World Risk Index 2023, nananatili ang Pilipinas na pinakadelikadong bansa pagdating sa banta ng mga kalamidad. Hawak ng Pilipinas ang puwestong ito mula 2011 o mahigit isang dekada na. Makikita natin ang epekto nito sa dami at lakas ng mga bagyong sumalanta sa ating bansa; sa malaking pinsala sa mga ari-arian, agrikultura, at imprasktraktura; at sa libu-libong taong nasasawi o mas naghihirap dahil sa mga ito. 

Kaya naman, katulad ng sinabi ng mga obispo sa kanilang pahayag, ang paglipat sa renewable sources ay hindi lamang pagtugon sa panawagang alagaan ang Kalikasan. Isa rin itong moral na pagtugon. Hamon ito sa ating isulong ang turo ng Simbahan patungkol sa pangangalaga sa kalikasan at pagsisigurong walang naisasantabi sa pagkamit ng kaunlaran, lalo na ang mga nasa laylayan ng ating lipunan. Binibigyang-diin ng mga turo ng ating Santa Iglesia na ang paglikha at paggamit ng enerhiya, na mahalaga sa pag-unlad, ay dapat nakatuon din sa pagkamit ng kabutihang panlahat o common good, kasama ang kabutihan ng kalikasan. 

Malaki ang papel na inaasahan natin sa ating mga lider at pamahalaan sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Kaakibat naman nito ang pakikilahok natin sa panawagang magkaroon ng mga patakaran at programa, katulad ng SecuRE Negros, na mangangalaga sa kalikasan at magsusulong ng kaunlarang walang naiiwan. Maaari din tayong gumawa ng mga personal na pagbabago o magsimula ang ating parokya o barangay ng mga proyekto makapag-aambag sa layuning ito. 

Mga Kapanalig, sinasabi sa Juan 1:3-4, “Ang lahat ng nilikha ay nagkaroon ng buhay sa pamamagitan Niya, at ang buhay na ito ay ilaw ng sangkatauhan.” Tungkulin nating pangalagaan ang sangnilikhang inihabilin sa atin ng Diyos at siguruhing napakikinabangan ng lahat ang mga biyayang hatid ng mga ito. Ang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental ay isang hakbang patungo sa mga layuning ito. Nawa’y maging inspirasyon ito sa iba pang lokal na pamahalaan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 23,697 total views

 23,697 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 38,353 total views

 38,353 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 48,468 total views

 48,468 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 58,045 total views

 58,045 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 78,034 total views

 78,034 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 23,698 total views

 23,698 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,546 total views

 2,546 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 38,354 total views

 38,354 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 48,469 total views

 48,469 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 58,046 total views

 58,046 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 78,035 total views

 78,035 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,079 total views

 48,079 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,104 total views

 43,104 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,673 total views

 46,673 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,128 total views

 59,128 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,195 total views

 70,195 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,514 total views

 76,514 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,125 total views

 81,125 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,685 total views

 82,685 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,246 total views

 48,246 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top