297 total views
April 5, 2020, 9:04AM
Hinirang ni Pope Francis na Obispo ng Apostolic Vicariate ng Jolo, Sulu ang pinuno ng Oblates of Mary Immaculate (OMI) sa Pilipinas.
Sa ulat ng CBCP news, inihayag sa Vatican ang appointment ng 54-taong gulang si Fr.Charlie Inzon, superior ng OMI congregation alas sais kagabi(6pm) oras sa Pilipinas.
Pamumunuan ni Bishop elect Inzon ang Apostolic Vicariate of Jolo na “sede vacante” mula pa noong November 2018 makaraang italaga ng Santo Papa si Archbishop Angelito Lampon na arsobispo ng Archdiocese ng Cotabato kapalit nang nagretirong si Orlando Cardinal Quevedo.
Isang lokal na simbahan ang Apostolic Vicariate na pinamumunuan ng isang Apostolic Vicar sa pangalan ng Santo Papa.
Si Bishop-elect Inzon ay ipinanganak sa Putiao, Sorsogon noong ika-24 ng Nobyembre 1965 at pumasok ito sa OMI congregation noong 1982.
Nag-aral si Inzon ng Philosophy sa Notre Dame University sa Cotabato City at Theology sa Loyola School of Theology ng Ateneo de Manila University.
Inordinahang Pari si Inzon noong ika-24 ng Abril 1993 sa Caloocan city.
Nagtapos si Bishop-elect Inzon ng master degree sa Theology sa L-S-T at doctorate in Psychology sa ADMU.
Taong 2014-2018 ay naging pangulo si Inzon ng Notre Dame University sa Cotabato City.